Derrick Monasterio admits crush on Jessy Mendiola: "Ang lakas ng sex appeal niya."

IMAGE Noel Orsal

Inamin ni Derrick Monasterio na malaki ang paghanga niya kay Jessy Mendiola. Kahit daw may mga pumipintas dito, balewala ito sa kanya dahil malakas daw talaga ang dating sa kanya ng sexiest woman ng FHM ngayong 2016.


Kasabay ng kanyang pagpirma bilang Millenial Baby ng Regal Films, ililinya na sa mas mature roles ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio.

Wala namang pag-aalinlangan si Derrick na mag-level up na pagdating sa roles na kanyang gagampanan.

Pahayag ng 21-year-old actor, “Okay lang po yun. Nasa tamang age na rin po ako, e.

"Ready na ako. Siguro yung hindi lang kita lahat, hindi naman completely bold.

“Actually, wala naman akong limitations, basta okay yung project.”

Kung sakaling makapamili, sino ang gusto ni Derrick na makapareha sa mga pelikulang gagawin niya sa Regal?

“Jessy Mendiola po talaga, e,” mabilis na sagot niya.

Hindi ba't may Luis Manzano na si Jessy?

Bawi niyang nakatawa, “Arci Munoz na lang!”

Bakit gusto niya ang FHM's Sexiest Woman ng 2016?

Tugon ni Derrick, “Sexy niya kasi, ang lakas ng sex appeal niya.”

Wala raw problema kay Derrick kung sinasabi ng iba na "mapata" si Jessy dahil may kalakihan ang mga hita nito.

“Maganda nga yun, e. Ayoko ng medyo mapayat,” sabi niya.

Na-meet na raw niya noon si Jessy sa pictorial para sa isang clothing brand, pero hanggang ‘Hi, Hello’ lang daw ang naging eksena nila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa contract signing nito sa Regal Entertainment Inc. ngayong Martes, August 2.

Ginanap ang contract signing sa Valencia Events Place, sa Quezon City.

(Derrick inks a multi-picture contract with Regal Films. Present during the contract signing are, from left, Roselle Monteverde, Mother Lily Monteverde, Derrick, and GMA Artist Center Assistant Vice President Simoun Ferrer.)

SOLO LAUNCHING MOVIE. Kahapon, August 1, ang ika-21 kaarawan ni Derrick.

Pero sa bahay lang daw siya at walang idinaos na malaking selebrasyon.

“World peace at sana wala nang taong magutom,” seryoso niyang sambit tungkol naman sa kanyang naging wish.

Itinuturing ni Derrick na isang magandang regalo sa kanyang kaarawan ang pagpirma ng kontrata sa Regal Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago magtapos ang presscon, inanunsiyo ni Mother Lily na bilang regalo niya kay Derrick ay gagawan niya ito ng solo launching movie na labis namang ikinatuwa ng young actor.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN