Louise delos Reyes wins raffle draw to meet Selena Gomez

IMAGE Instagram (@louise.dr)

Find out what American singer Selena Gomez told Kapuso actress Louise delos Reyes when they met backstage before Selena's concert at the Mall of Asia Arena last weekend.


Ibinahagi ng Kapuso star na si Louise delos Reyes sa Instagram ang pagtatagpo nila ng international singer na si Selena Gomez sa backstage ng MOA Arena, bago ginanap ang concert ni Selena na Revival Tour nitong nakaraang Linggo, July 31.

Kalakip ng larawan nila ni Selena, ikinuwento ni Louise na ang singer pa ang unang bumati sa kanya nang magkita sila backstage.

Pinuri rin daw ng sikat na American singer ang kasuotan ni Louise at sinabing yayakapin siya nito.

Inilahad ni Louise na nabigyan siya ng access sa backstage at nabigyan ng pagkakataong makaharap si Selena matapos siyang manalo sa raffle draw ng isang sikat na shampoo brand.

Selena: "Hi! Oh my gosh, your outfit's so cute! Let me give you a hug." Me: "Hiii!!! Thank you!" *photo op* Selena: "And she smells so good too!" *winks at me* Me: *dying* --- STILL NOT OVER THIS!!! It feels sooo surreal meeting @selenagomez before her #RevivalTourPH concert yesterday ???? I was really ecstatic when Pantene told me that I'm the lucky online influencer from #TeamPantene who got picked from the raffle draw to meet Selena. I really couldn't believe it! THANK YOU SO MUCH Pantene for this wonderful experience. Kung alam niyo lang, kinakanta ko talaga ang Love You Like A Love Song every mallshow! OMG! I LOVE YOU SELENA! I'll see you again soon ?? #Selenator #PantenexSelena #RevivalTourPH // We are not allowed to bring our bags, cellphones and camera inside the meet and greet room. Official photo is from @wilbroslive //

A photo posted by LDR (@louise.dr) on

Bukod kay Louise, isa rin ang Kapamilya star na si Liza Soberano na masuwerteng nakaharap si Selena sa backstage at nakapagpakuha ng picture.

Marami ring artista ang nanood ng concert kagaya nina Maine Mendoza, Janine Gutierrez, Maxene Magalona, Bela Padilla, Sarah Lahbati, at Christian Bautista.

Read: Maine Mendoza, LizQuen spotted at Selena Gomez Manila concert


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN