Derrick Monasterio on receiving indecent proposals: "More on na-flatter pa rin po ako."

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Derrick Monasterio na malapit siya sa mga bakla. Babae raw kasi ang tingin niya sa mga ito. Hindi rin naman daw siya nababastos sa mga natatanggap na indecent proposals.


Hindi itinago ni Derrick Monasterio na nakatanggap na siya ng indecent proposals mula sa ilang mayayamang bakla.

Pero tatlo lang ang itinuturing niyang legit o seryoso sa kanilang mga inu-offer sa kanya.

Paano ba nakarating sa kanya ang mga offer na ito?

Natatawang kuwento ng Kapuso hunk, “May mga middleman sila. Hindi po nila ipinakilala yung gay talaga kasi high-profile daw.”

Yung isa raw ay nag-alok pa sa kanya ng condominium unit sa Bonifacio Global City, The Fort, Taguig City.

Sa tingin niya, ano ang nagugustuhan ng mga bading sa kanya?

Tugon ng 21-year-old singer-actor, “Siguro po kasi sobrang close ko po sa kanila, e, parang tingin ko po sa kanila, girls din.”

Ano ang nararamdaman niya kapag may mga nakakarating sa kanyang mga alok na mamahaling bagay o pera para sa panandaliang kaligayahan? Nababastos ba siya?

Sabi ni Derrick, “More on na-flatter pa rin po ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Derrick sa contract signing nito sa Regal Entertainment Inc. nitong Martes, August 2.

FOCUS ON CAREER. Halos walong buwan nang single si Derrick.

Naghiwalay sila ng kanyang girlfriend na si Issa Pressman, kapatid ni Yassi Pressman, bago magtapos ang taong 2015.

Umabot daw sila ng one year and three months.

“Conflict sa time,” ang sabi ni Derrick tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

Dagdag niya, “Pinagsabay ko po kasi ang school at saka career, e.”

Pero ngayon, tumigil daw muna siya sa pag-aaral ng legal management sa San Beda College dahil sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang buwan.

Sa ngayon ay mas gusto ni Derrick na ang susunod niyang girlfriend ay non-showbiz.

Rason niya, “Kapag showbiz kasi, clash po sa love team, e.

“Kapag non-showbiz, puwedeng itago. Kapag sa showbiz, hindi.

“As much as possible, opo [itago ko]. Makakaaaekto kasi sa career, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN