Temptation Island actor Jonas Sebastian dies

Jonas Sebastian, who was known for his role as Joshua in the cult classic Temptation Island (1980), had passed away. His remains lie in state at Heritage Memorial Park in Taguig City.


Pumanaw na ang dating aktor at screenwriter na si Jonas Sebastian.

Si Jonas ay matatandaan sa kanyang pagganap bilang Joshua, isang pageant coordinator, sa cult hit movie na Temptation Island (1980) ni Joey Gosiengfiao.

Nakasama niya sa nasabing pelikula sina Dina Bonnevie, Azenith Briones, Jennifer Cortez, Bambi Arambulo, Deborah Sun, at mga yumao na ring mga aktor na sina Ricky Belmonte at Alfie Anido.

Noong 2011 ay ginawan pa ng remake ang Temptation Island, kung saan si John 'Sweet' Lapus ang gumanap sa dating role ni Jonas.

Bukod sa Temptation Island, ang iba pang mga nilabasang pelikula ni Jonas ay ang mga sumusunod: Kontrobersyal (1981), I'll Wait For You (1983), Boatman (1985), at Inday Bote (1985).

Ilan naman sa mga pelikulang siya ang nagsulat ng script ay Underage (1980), Where Love Has Gone (1984), Virginia P. (1989), at Nights of Serafina (1996).

Karamihan ng mga naging proyekto niya ay sa ilalim ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Ang mga labi ni Jonas ay nakaburol sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Nakatakda naman siyang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Huwebes, August 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN