Mark Zambrano reveals Aicelle Santos has been his crush since La Diva days

IMAGE Mark Zambrano Instagram account

GMA News reporter Mark Zambrano on girlfriend Aicelle Santos: "Noong La Diva days pa lang, crush ko na po siya. E, since nandoon pa sila, wala kaming chance na mag-meet. Magkaibang mundo. Si Aicelle nasa entertainment, ako naman nasa news. We never met before. So, recently lang ulit nung napanood ko siya sa Eat Bulaga, sabi ko lalong gumanda."


Marami ang kinilig kung paano nagsimula ang love story nina Traffic Diva Aicelle Santos at GMA news correspondent Mark Zambrano.

Ikinuwento ng dalawa kung paano sila nagkakilala sa programang Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid noong Sabado, July 30.

Inamin ni Mark na noong buo pa ang singing group na La Diva, kunsaan kasama ni Aicelle sina Jonalyn Viray at Maricris Garcia, ay crush na niya si Aicelle.

Kuwento ng GMA News reporter, “Noong La Diva days pa lang, crush ko na po siya.

“E, since nandoon pa sila, wala kaming chance na mag-meet. Magkaibang mundo.

“Si Aicelle nasa entertainment, ako naman nasa news. We never met before.

“So, recently lang ulit nung napanood ko siya sa Eat Bulaga, sabi ko lalong gumanda.

“Tapos naglakas-loob lang ako, kasi wala akong means to contact her.

“So I followed her sa Instagram. So, doon ako nag-message.”

Noong una raw ay hindi pa masyadong kilala ni Aicelle kung sino si Mark kaya ni-research niya kung sino ito.

Kuwento ng singer, “Nabasa ko yung name niya, Mark Zambrano.

“Binuksan ko kasi sabi ko parang familiar.

“Ang message niya, 'Hi! I'm a big fan of your work. Hope to see you around the network.'

“Sabi ko, 'Ay, taga-Siete.' Binuksan ko muna yung profile, sinilip ko, sabi ko, ‘A, news reporter.’

“So, reply ako, sabi ko, 'Thank you, yes, see you around.'

“Ganun lang kasimple. Tapos nag-message na siya nang dire-diretso.”

FOUR MONTHS. Isang beses daw ay nagyaya si Mark na mag-date sila ni Aicelle, pero hindi pa muna na-convince ang singer dahil uso raw kasi ang posers sa social media.

Hindi naman nag-give up si Mark para malaman ni Aicelle na siya talaga ang Mark Zambrano na nagyayaya sa kanya mag-date.

Kuwento niya, “Sabi ko, ‘Sige, para mapatunayan talagang ako yung may-ari ng account, na ako talaga yun, magpagawa ka sa akin ng something sa picture na instructions ba na gagayahin ko para mapatunayan na ako yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napatunayan niya na ako talaga yung may-ari.”

Noong nakailang date na sila ni Mark, inamin ni Aicelle na hindi pa siya handang mag-commit sa isang relasyon noon dahil may trust issues daw siya.

Pero sinabi raw ni Mark kay Aicelle na wala itong dapat na ipag-alala dahil buong puso’t kaluluwa raw niya ay para sa mahal niya, at si Aicelle lang daw yun.

Noong May 2016 ay nag-celebrate sina Aicelle at Mark o AiMark ng kanilang first monthsary bilang couple.

Itong buwan ng August ay magpu-four months na sila sa kanilang relasyon.

Ilang beses na ngang pinatunayan ni Mark ang kanyang pagiging caring and loving boyfriend kay Aicelle.

Siya ang nagdala kay Aicelle sa isang mahusay na doctor nang kinailangan ng singer na dumaan sa isang vocal fold surgery.

Nag-post pa nga si Mark ng ilang photos sa Instagram habang inaalagaan niya si Aicelle pagkatapos ng surgery nito.

Full support din ang pamilya ni Mark nang magbalik sa pagpi-perform si Aicelle via Rak of Aegis noong June.

At kailan lang ay sinamahan ni Mark si Aicelle sa Singapore kunsaan special guest ito sa concert doon ni Alden Richards na One Fine Day with the Bae.

Nag-post din si Mark ng sweet moments nila ni Aicelle habang namamasyal sa Lion City.

Everything's just more colorful and alive with you beside me mahal @aicellesantos ! #aimarkinsingapore #singapore

A photo posted by Mark Zambrano (@markzambrano) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN