Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach: "Enough with the Jessy Mendiola hate."

IMAGE Instagram (@piawurtzbach); Mark Atienza (Jessy)

Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach (left) once again defends Jessy Mendiola (right) and reminds everyone that Filipinas should celebrate and not condemn confident women.


Muling nag-tweet si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach bilang pagtatanggol kay Jessy Mendiola sa gitna ng patuloy na pagsasabong sa kanila matapos ang pahayag na ginawa ng aktres sa FHM Victory Party noong July 27.

Si Jessy ang itinanghal na Sexiest Pinay ngayong 2016 sa taunang poll na ito ng FHM magazine.

Ngayong Miyerkules, August 3, isa pang tweet ang inilabas ni Pia para muling ipagtanggol si Jessy laban sa bashers.

Pakiusap ni Pia, “Seriously though, enough with the Jessy Mendiola hate.”

Paalala pa niya, “Confident Filipinas should be celebrated, not condemned.”

Ginamit din ni Pia ang hashtags na #NoToBodyShaming at #NoToBullying

Una nang ipinagtanggol ni Pia si Jessy matapos sabihin ng huli na talo pa niya si Pia dahil sa pagkilalang natanggap niya bilang FHM Sexiest Woman ngayong taon.

Minasama ito ng ilang netizens, pero nag-tweet si Pia at sinabing wala siyang nakikitang masama sa sinabi ni Jessy.

Nauunawaan din daw niyang masaya lang si Jessy.

Read: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach defends Jessy Mendiola

Sa interview kay Jessy nitong Linggo, July 31, nagpaabot siya ng pasasalamat kay Pia dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN