Judy Ann Santos says Matteo is a positive influence on Sarah's life: "He made Sarah feel a normal person."

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos on Sarah Geronimo: "Unti-unti, she's coming out of her shell. I mean, paunti-unti, she's getting riskier and riskier by the day. Which is just right because pag nag-asawa ka na and you become a parent, you take so many risks for your children."


Para kay Judy Ann Santos, nagkaroon ng positibong impluwensiya si Matteo Guidicelli sa girlfriend nitong si Sarah Geronimo.

Itinuturing na malapit na kaibigan sa showbiz ni Sarah si Judy Ann, at kalaunan ay naging malapit na magkaibigan din ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo kina Sarah at Matteo.

Sa sneak preview ng Cinemalaya movie ni Judy Ann na Kusina nitong Martes, August 2, natanong ang aktres kung ano sa palagay niya ang impluwensiya ni Matteo sa Popstar Princess.

Pahayag niya, “I guess, kung hindi disenteng tao si Matteo at hindi siya yung tipo ng taong puwedeng magbigay ng maayos na buhay kay Sarah, or at least let Sarah feel the realities of life, hindi sila magtatagal.

“He made Sarah feel a normal person.

“You can get hurt, but you can still enjoy the littlest things in life.”

Binanggit pang halimbawa ni Judy Ann pagiging totoo ni Matteo kapag kasama si Sarah.

Kuwento niya, “Nanonood kami ng sine, magkakasama.

“Hindi bongga. Hindi yung, 'Pa-reserve natin ang buong sinehan.'

“Manonood kami ng sine, yun lang, ganun lang.

“Kakain kami sa labas after. That’s just about it.

“Wala talaga siya yung pagpapakitang-tao. What you see is what you get.”

Nakikita nga raw ni Judy Ann kay Matteo ang asawang si Ryan dahil sa pagkakatulad ng mga ugali nito.

“Hindi ako yung magsu-sugarcoat ng mga bagay-bagay.

“Papakita ko sa ‘yo kung ano talaga yung ako, anong meron ako.

“Papaintindi ko sa 'yo yung priorities nating dalawa.”

HAPPY FOR SARAH. Nakikita naman daw ni Judy Ann na sinusuklian din ni Sarah ang pagmamahal ni Matteo.

“On Sarah’s part, ngayon ko lang din siya nakitaan na, ‘I would go that extra mile to understand the person.’”

Ikinatutuwa rin daw ng aktres ang pagsubok ni Sarah ng iba't ibang bagay ngayon; kagaya ng cooking classes at pole dancing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m really happy na she’s into culinary now, she’s making time for herself.

“Kumbaga, unti-unti, she's coming out of her shell.

“I mean, paunti-unti, she’s getting riskier and riskier by the day.

“Which is just right because pag nag-asawa ka na and you become a parent, you take so many risks for your children.”

Payo pa ni Judy Ann kay Sarah, “Enjoy-in mo muna yung mga bagong nangyayari sa paligid mo.

“You take risks hangga’t wala ka pang responsibilidad sa buhay.

“Enjoy life. Yun nga ang sinasabi ko sa kanya.

“Hindi mo puwedeng i-rewind yung nakaraan at sabihin, ‘Hindi ko ‘to nagawa, gagawin ko to ngayon.’

“You cannot do that anymore when you get married and you have children.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN