Miss Universe 1993 Dayanara Torres on Miss U's return to the Philippines: "Nakaka-excite & nakakasenti."

IMAGE Dayanara Torres' Facebook

Miss Universe 1993 Dayanara Torres is excited that the next Miss Universe pageant will be held in the Philippines, which she considers her second home.


Ikinatuwa ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres ang balitang sa Pilipinas gaganapin ang susunod na Miss Universe.

Kumpirmado na kasing dito sa ating bansa ipapasa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang korona sa susunod na Miss Universe, sa January 30, 2017.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagpahayag ng pagkagalak si Danayara na sa kanyang “second home” gaganapin ang international pageant na napagwagian niya noong 1993.

Nasa Tagalog pa ang ibang bahagi ng kanyang caption at sinabi niyang “nakaka-excite at nakaka-senti.”

Caption ni Danayara: “#missuniverse 17 in the Philippines. My 2nd home. What great news! Sobrang nakakaexcite & nakakasenti. Got to get my secret stash out. Miss na miss ko kayo!

Ipinost pa ni Dayanara ang mga pagkaing mayroon siya na mula sa Pilipinas.

Huling ginanap sa Pilipinas ang Miss Universe noong 1994, kung saan si Sushmita Sen ng India ang nanalo; samantalang si Dayanara na mula sa Puerto Rico ang nagpasa ng kanyang korona bilang Miss Universe 2013.

Ang pagpunta ni Dayanara sa Pilipinas ang naging daan upang magkaroon siya ng career dito bilang isang artista.

Nakagawa siya ng ilang pelikula kung saan nakapareha niya sina Aga Muhlach, Gary Valenciano, at Cesar Montano.

Nakagawa rin siya ng TV shows kagaya ng ASAP at Dancing Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN