Anne Curtis not ready to give up career for marriage

IMAGE Anne Curtis Instagram

Not that Anne Curtis is taking her relationship with Erwan Heussaff for granted, but she says, "I wouldn't waste my time in a long-term relationship if I do not see it's going there." But she is also at the top of her career and in the nature of local showbiz, marriage can easily change all that. She muses, "I don't know why, maybe people can break that in the coming years."


Anim na taon na ang relasyon nina Anne Curtis at Erwan Heussaf, pero tila malayo pa sila sa marrying stage.

Sabi ni Anne, “Alam naman natin kasing lahat na once you get married, everything changes in your career.

“But it will come, it will come… it’s not something we plan.

“But more or less, we both have understanding.”

Madalas nga raw itanong sa kanya kung kailan ang big day nila ni Erwan.

“Non-stop, natatawa kami!

“Halimbawa, mag-post lang kami ng picture namin together, 'relationship goals, sana pakasal na kayo.'”

Hindi naman daw ito nagiging dahilan para makaramdam sila ng pressure.

Sabi ng 31-year-old actress-TV host, “Hindi, e, actually nakakatuwa na there are so many people looking forward to it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa unang araw ng shooting niya para pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend noong nakaraang linggo.

LOVE AND CAREER. Base sa kanyang pahayag, mahirap ba talagang i-give-up ang career?

“I think it is,” sagot ni Anne.

“We all know that the Philippine entertainment industry doesn’t like…

“In Hollywood, even if you’re a mom, you can still be a leading lady and hot.

“Parang Angelina Joline, nag-iiba.

“I don’t know why, maybe people can break that in the coming years.”

Hindi pa niya kayang i-give up ang kanyang career para magpakasal?

“If it happens, it happens... siyempre ayaw ko namang magsabi na hindi ko kaya.

“Tapos, bigla na lang malalaman niyo, 'Hi, guys!'” natawang sabi ni Anne.

Career daw talaga ang priority ni Anne ngayon.

Pero pasubali niya, “But I wouldn’t waste my time in a long-term relationship if I do not see it’s going there.”

Kakapirma lang niya ng two-year contract sa ABS-CBN. May clause ba sa kontrata niyang bawal siyang mag-asawa?

Paglilinaw ni Anne, “Wala naman, wala nang clause na ganun, dati meron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, pinatanggal na namin… out of respect na lang yun, they’re giving you work.”

NOT ANYTIME SOON. Sa tantiya ni Anne, tatlong taon pa bago nila pag-usapan ni Erwan ang tungkol sa pagpapakasal.

Hindi ba siya natatakot na marami sa long-term relationship ang nauuwi sa wala?

“Hindi, kasi first time kong mag-long-term, e.

“Pinaka-matagal ko mga three years, so first time ko, ang saya.”

Thirty-one si Anne ngayon at hindi naman daw siya nagmamadali.

Okey lang daw na lumagay siya tahimik sa edad na 33 o 34.

Samantala, sunud-sunod namang ikinakasal ang mga kaibigan ni Anne; kagaya nina Georgina Wilson at Solenn Heussaff, at susunod na rin si Isabelle Daza.

Pero ayon kay Anne, “Sila na lang muna, kasi nag-e-enjoy pa kami..

“That changes kasi when you have a baby.”

Gusto pa raw nilang mapuntahan ni Erwan ang Iceland at South Africa.

May non-showbiz boyfriend din ngayon ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Hindi naman siguro siya uunahan ng nakababatang kapatid?

Sabi ni Anne, “Bahala siya, hindi pa yun, baby pa yun!

“Happy naman ako for her but she’s still too young. She’s only 22.

“Twenty-two pa lang yun, noon ako, wala pa sa isip ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN