Anne Curtis casts off sexy image: "Pagdating mo ng mga 30, ibigay mo na sa iba."

IMAGE Anne Curtis Instagram

Being a UNICEF advocate for children reinforces the resolve of Anne Curtis not to pose for men's magazine. However, she's still willing to do sexy roles. "if it's called for a film, go. Pero kung sa magazine, no," she says.


Isa si Anne Curtis sa celebrity ambassadors ng UNICEF (United Nations Children's Emergency Fund).

Malaking bagay ito para sa Kapamilya star kaya iniiwasan na niya ang magpa-sexy, lalo na sa pictorials.

Saad niya, “Well, ever since I became a UNICEF advocate for children, medyo iniiwasn ko na.

“Medyo nag-lie-low na ako… siguro it’s about time.

“Pagdating mo ng mga thirty, ibigay mo na sa iba.”

Pero kung sa pelikula at kailangan daw talaga sa karakter niya, walang problema sa kanya.

“I think, if a film calls for it, go. Pero kung sa magazine, no.”

Bukod-tanging sa men’s magazine lang na Rogue pumayag mag-cover pictorial si Anne. Hindi ba siya inalok ng FHM?

“No, no, no!” natawang sabi ni Anne.

“A long, long time ago, they would always ask me naman, pero hindi talaga, e.

“If you can make sure that everyone in the magazine is covered, then I’ll do it.

“Hindi ko kaya… I don’t have anything against women who do it, that’s their choice.”

Hindi niya gustong pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan?

Aniya, “Hindi ako comfortable with someone, I mean, kung nakabihis na two-piece lang or anything, okey lang.

“Kaya lang, di ba, ang FHM is a little bit more skin than usual.”

Pero sa rebelayon ni Anne, mas daring naman siya sa nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith.

Sabi niya, “Mas daring ako, noong twenty-two ako, 'Day! Mas manang siya sa akin.”

Hindi niya papayagang mag-pose si Jasmine sa FHM, kung sakali?

“It’s her own personal decision, pero siyempre, siyempre ayoko!” natawa niyang sabi.

“Kakausapin ko yun, ‘Hija, mag-usap muna tayo.’

“Pero, she already did Esquire and that’s fine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN