Tates Gana, ex-partner of Mayor Herbert Bautista, 'no bad blood' with Kris Aquino

IMAGE Rose Garcia

Tates Gana and Herbert Bautista are estranged, but not distant from each other. "Bati naman kami, palaging sa akin pa rin siya nagko-confide ng lahat," she shares.


Nilinaw ng radio host na si Tates Gana ang usap-usapang nagkabalikan na sila ng dati niyang live-in partner na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kamakailan kasi ay may lumabas na picture ni Mayor Herbert Bautista kasama ang dalawang anak nitong sina Athena at Harvey habang nasa Amerika.

Nasa litrato rin ang ina ng mga bata na si Tates, kaya marami ang nag-akalang sila pa rin ni Mayor Herbert.

Ngunit ayon kay Tates, okey naman sila ni Mayor Herbert kahit hiwalay na sila.

“Bati naman kami even before that.”

Ang nangyari raw kasi ay sumunod si Mayor Herbert sa kanilang mag-iina sa Los Angeles, California.

Sabi pa ni Tates, “Ang sarap ng bonding kasi tuwing mag-a-abroad siya, conference, seminar.

“Ito, bakasyon lang, six days kami sa L.A., tapos nagpunta rin kami ng New York.”

Pero ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Mayor Herbert?

“Well, kahit naman noong kasagsagan, palaging sa akin pa rin siya nagko-confide ng lahat,” sagot ni Tates.

Siya pa rin ang First Lady, kung ganun?

“Depende sa tumitingin!” natawa niyang sabi.

“Basta ako, palaging masaya lang, palaging nakasuporta sa kanya.

“Sa pagkukulang, wala namang pagkukulang dahil mabait naman siya.

“I have accepted, pinagpapasalamatan ko na lang what I have.

“Huwag na tayong maghanap ng hindi gusto ni Lord.

”Thankful na lang ako with what I have, maganda naman ang buhay na ibinigay sa akin ni Lord.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tates sa kanyang radio program sa 8Trimedia Broadcasting Network-DZRJ nitong Lunes, August 1.

KRIS ISSUE. Matatandaang naging mainit na balita noon ang short-lived romance ni Mayor Herbert sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Read: Kris Aquino reveals Mayor Herbert Bautista proposed but broke up with her a few days later

Si Kris ba ang dahilan kung bakit nabago ang relasyon nila ni Mayor Herbert?

Paglilinaw ni Tates, “Hindi naman, ako naman, I have no bad blood with Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman niya kami inaway na mag-iina, yun naman ang importante sa akin.”

Ayon pa sa balita, iniyakan daw ng mga anak ni Tates ang sinasabing pagkakamabutihan ng ama nila at ni Kris.

Pahayag ni Tates tungkol dito, “Siguro kailangan nilang pagdaanan sa buhay ang mga ganyang problema.

“They’re okay naman. Siyempre ako, nanay ako.

“Ayoko silang hindi maganda ang pagtingin sa buhay.

“Palagi kong inaano sa kanila na tatay nila ‘yan, mabait naman sa kanila, mabait sa amin.”

Umaasa pa rin ba ang mga anak nila na magkabalikan sila ni Mayor Herbert?

Tugon ni Tates, “Siguro, mga bata, deep inside, hindi mo naman maiaalis yun.

“At saka ako, hindi ako papayag na hindi sila mabait sa papa nila.

“Noong sinabi ni Lord na 'honor thy mother and thy father,' hindi naman sinabi ni Lord except kung mambabae. Wala namang ganun.

“Kung maiiyak sila, tiisin na lang, pero hindi ko yun ito-tolerate.

“E, kasi, lalo na yung babae, selosa yun sa tatay niya.”

Ang hindi lang daw niya kayang tanggapin ay kung mayrioong mang-aaway sa mga anak niya.

Sabi pa ni Tates, “Kaya hindi rin ako makapagsalita ng hindi maganda kay Kris.

“Wala naman siyang ginawang masama sa amin.

“Before that, may picture pa nga kami sa bahay ni Karla Estrada.

“Si Kris, kilala ko na even before.”

Hindi raw sila nagkaengkuwentro ni Kris simula nang ma-link ito kay Mayor Herbert.

Banggit pa ni Tates, “In fact, noong nasa States kami, nasa States din siya.”

Hindi naman nagkita sina Mayor Herbert at Kris sa Amerika?

“Hindi, pero alam ko na nagte-text sila. Kinukuwento rin naman ni Mayor.”

CHIDLREN WITH MAYOR HERBERT. Pareho nang nag-aartista ang dalawang anak nina Tates at Mayor Herbert na sina Athena at Harvey Bautista.

Pero dahil parehong nag-aaral kaya ito muna raw ang prayoridad nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang panganay na si Athena ay 20 years old at third year college na sa Ateneo de Manila sa kursong Political Science.

Si Harvey naman ay 13 at kasalukuyang nasa junior high school.

Kuwento ni Tates, “Si Harvey, dapat kasama siya sa JaDine na teleserye, anak daw ni Richard Yap.

“Kaya lang, nasa regular school siya… biro mo, M-W-F, tapos siyempre mapupuyat, hindi na makakapasok.

“Ngayon dapat, may call back… pala, tapos na ang go-see. Horror movie naman for MMFF.

“Si Athena, part siya ng drama club ng Miriam, member din sa Ateneo.

“She’s interested pero siyempre… siguro after her studies.

“Bakit si Janine Gutierrez, pinatapos muna, Ateneo rin.

“Siguro after that, kung ano ang gusto niyang i-pursue.”

ADVOCACY. Ngayon ay pinasok na ni Tates ang radio hosting sa pamamagitan ng programang Serbisyo Publiko sa DZRJ 810 AM, na napapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 11 to 12 noon.

Kaugnay raw ito ng kanyang suporta sa Child Haus na nag-aaruga ng mga batang may cancer.

Pahayag niya, “Ginusto ko rin na magamit ang resources ng government, pero hindi tayo pinalad.

“Siguro ito, mas maganda ring paraan para marating yung mga gusto nating matulungan.

“Siyempre, kung tumutulong ka at own resources mo lang ang gamit, napakahirap.

“Actually, hindi mo talaga kakayanin so, ‘eto, magandang paraan.

“Ikokonek mo lang ang mga taong nangangailangan, siguro sa mga government offices.”

Tumakbo si Tates sa pagka-konsehal sa District 6 ng Quezon City nitong nakaraang eleksiyon, pero hindi siya pinalad na manalo.

Sa ngayon, hindi pa raw niya masasagot kung tatakbo siya ulit sa susunod na eleksyon.

Aniya, “Ang hirap ng campaign, ang init, pagod, at saka kung hindi gusto ni Lord, we should just accept.”

Nang hindi siya manalo, ano ang sabi ni Mayor Herbert?

“Nalungkot, yung mga anak ko, umiyak. Ako kasi, okey lang ako.

“Palagi kong sinasabi na na kay Lord ‘yan. Kung gusto Niya, matutuloy ‘yan. Kung hindi, hindi ‘yan matutuloy.

“But I thought, gusto na Niya kasi nakapag-file ako, siguro He wanted me to go through all that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN