Maja Salvador and John Lloyd Cruz watch Bea-Gerald movie together

IMAGE @iammajasalvador

Maja Salvador posts movie "date" with fellow Kapamilya star John Lloyd Cruz on Instagram.


Sa isang pambihirang pagkakataon, ibinahagi ni Maja Salvador ang larawan kasama ang kapwa Kapamilya star na si John Lloyd Cruz.

Base sa Instagram post ni Maja ngayong gabi, August 3, tila manonood sila ni John Lloyd ng How To Be Yours, ang pelikulang pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ginaya pa nina Maja at John Lloyd ang nakakakilig na titigan pose nina Gerald at Bea sa poster ng naturang pelikula.

How To Be Yours Po ???? #NowShowing

A photo posted by MAJASTY???? (@iammajasalvador) on

Tila paraan ito ni Maja upang ipakita na suportado niya ang pelikula ng ex-boyfriend na si Gerald.

Bukod sa pagiging kapwa Star Magic artists, minsan nang nakatrabaho ni John Lloyd si Maja sa pelikulang One More Chance.

Si John Lloyd ay perennial leading naman ni Bea sa pelikula; kabilang ang A Second Chance, Miss You Like Crazy, at One More Chance.

Matatandaang naugnay sina Bea at John Lloyd sa isa't isa nitong pagpasok ng taon.

Ngunit mariing pinabulaanan ni John Lloyd ang espekulasyong si Bea ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Sina Bea at Gerald naman ay naging magkasintahan noong 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN