Bureau of Customs denies Mocha Uson appointment as social media consultant

IMAGE Mocha Uson's blog

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon (right), walang katotohanan ang balitang in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha Uson (left) bilang social media consultant ng kanilang ahensiya.


Kumalat ngayong Huwebes ng umaga, Agosto 4, ang balitang naitalaga na raw si Mocha Uson bilang social media consultant ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News online, sinabi ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon na si President Rodrigo Duterte raw ang mismong nagtalaga sa lider ng grupong Mocha Girls.

Kilala si Mocha bilang isang die-hard Duterte supporter.

Ngunit ilang minuto lang ang nakalilipas, nag-tweet ang BOC upang pabulaanan ang report na in-appoint ni Customs Commissioner Faeldon si Mocha.

Matapos itanggi ng BOC ang appointment kay Mocha, may kumalat namang balita na nag-volunteeer lang daw ang sexy star na magpakalat ng impormasyon sa kampanya ng ahensiya laban sa kurapsiyon at katiwalian sa ahensiya.

Marahil, nag-ugat ang naturang balita sa post ni Mocha sa kanyang blog tungkol sa panayam niya kay Faeldon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN