Jessy Mendiola on 'silent war' with Angel Locsin: "There is silence but there is no war."

IMAGE Mark Atienza

Jessy Mendiola on accusation that she became big-headed: "Sa pagkakaalam ko, hindi ako nagmayabang. Wala naman akong nilait na tao o kaya minaltrato. Pero for me, why do people hate others who is just so confident of themselves?"


Nagbigay ng pahayag si Jessy Mendiola tungkol sa post ng isa niya diumanong tagahanga na naging viral dahil kung gaano siya pinuri-puri nito ay kabaliktaran naman nito ang mga sinabi kay Angel Locsin.

Sa kabilang banda, hindi napigilan ni Angel ang mag-react sa nasabing post.

Isang simpleng 'ayos' na may thumbs up emoticon pa ang naging reaksiyon ng aktres.

Read: Angel Locsin reacts to netizen pitting her against Jessy Mendiola

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa pictorial para sa Star Magic 24th anniversary, na ginanap sa ABS-CBN compound noong July 31, inalam namin ang reaksiyon niya tungkol sa post ng nasabing netizen at sa sagot ni Angel.

Aniya, “Hindi ko naman kasi kilala yun.

“Sana, huwag na lang ganun.

“Sana, kumbaga... bakit kaya palaging ganun? Bakit kaya kung may gusto tayong purihin, mayroon tayong lalaitin?

“Bakit hindi na lang natin purihin na walang lait?

“Kumbaga, huwag na lang tayong manakit ng iba para ma-uplift yung isa.

“Sana ganun na lang tayo lagi.

“I think the world would be a better place, lalo na ang social media world.”

JESSY VS. ANGEL. Dahil nga raw sa paghahambing kina Jessy at Angel, lalo na't may kinalaman pa rin kay Luis Manzano ang ibang komento sa kanila, marami ang nagsasabing may 'silent war' sa pagitan ng dalawang Kapamilya actresses.

Si Luis ay dating boyfriend ni Angel, habang nali-link naman ngayon kay Jessy ang Minute To Win It host.

Reaksiyon ni Jessy, “There is silence but there is no war.

“I mean, why would I do that?

“Yeah, I don't think it's like that… parang masyadong pinapalaki ang bagay na 'yan.

“Of course, mao-offend siya [Angel] dun.

“Sino ang hindi masasaktan dun… magri-reply siya ng ganun.”

Maging si Jessy ay nakakabasa rin daw ng comments na nakaka-offend.

“Yeah, like me, nao-offend din ako sa ibang comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mas pinipili ko na ring hindi pumatol kasi, mas lalong pumatol ka, mas lalo lang silang magsasagot, mas lalo lang silang matutuwa.”

BIG-HEADED? Bukod pa rito, marami ang nagsasabing ang bilis daw yumabang at lumaki ng ulo ni Jessy.

Paano niya hina-handle ang mga ganitong intriga?

Pahayag ng Kapamilya actress, “Alam mo, 'yan ang naisip ko, kasi sa pagkakaalam ko, hindi ako nagmayabang.

“Pangalawa, wala naman akong nilait na tao o kaya minaltrato.

“Pero for me, why do people hate others who is just so confident of themselves?

“Sa panahon ngayon, instead of us, as women helping each other to stand up and be strong, tayo pa yung... tayo pa, di ba?

“Pag nakita natin yung flaw niya, ingungudngod pa natin o ididiin pa natin, instead of 'Hey, it's okay, you have this to feel pretty and feel confident.’”

Dagdag pa ni Jessy, “Kumbaga sana, not only with women, all the people, not only in the social media, kumbaga tayong lahat, tingnan muna natin ang ating mga sarili bago tayo magsalita ng masasama sa iba.”

Sa lahat ng mga intriga sa kanya, saan ba siya mas nasasaktan?

Sagot ng 23-year-old Star Magic talent, “Honestly, wala na rin nga akong... wala na rin akong mas masasaktan pa kasi sabay-sabay na lahat.

“So, parang wala, wala naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN