Iñigo Pascual not affected by malicious comments about his viral photo with Papa Piolo

IMAGE Noel Orsal / Inigo Pascual Instagram

Iñigo Pascual on viral photo with his dad Piolo Pascual: "That's my dad! I'm sorry na lang if they're not that affectionate with their parent. I am, and I'm proud of it. So it's not my problem, it's not my problem, 'cause they're the ones who's obviously have a problem with it."


Natatawa na lang daw si Inigo Pascual sa mga nagbigay ng kakaibang interpretasyon tungkol sa larawan nila ng kanyang ama na si Piolo Pascual na naging viral noong nakaraang linggo.

Binigyan ng malisya ng mga netizen ang nasabing litrato, kung saan nakayakap si Inigo sa kanyang ama habang natutulog.

Haters stay hatin. Thanks for everything pa! Missed you! #Dinaminproblemakungmayproblemakayosapicturenato ??????????????????

A photo posted by Inigo Dominic Pascual (@iminigopascual) on

Pahayag ng Kapamilya young actor, “It's such a funny thing that they would even think of those things.

“Parang, that's my dad!

“I'm sorry na lang kung sila, hindi nila... if they're not that affectionate with their parent.

“I am, and I'm proud of it.

“So it's not my problem, it's not my problem, 'cause they're the ones who's obviously have a problem with it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inigo sa pictorial ng Star Magic artists, para sa 24th anniversary ng talent arm ng ABS-CBN, noong Linggo, July 31.

HAPPY POST. Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang ama nang maglabasan ang mga malisyosong komento sa social media?

Ayon kay Inigo, “My dad... actually nung... hindi ko siya alam.

“Hindi ko talaga... I mean, nung pinost ko, happy pa nga ako.

“I missed my dad, it's a happy post. Parang nice pic.

“I was about to repost it, the next day, may issue na pala.

“The day after agad... I didn't know about it. I didn't ready any comment, any article.

“Nabasa ko lang na... positive naman yung comments sa Instagram.

“Yun pala, madami nang articles sa Facebook na wala akong malay.

“I really don't use Facebook, so akin, mabuti na lang na di ko basahin.”

Patuloy pa ni Inigo, “At least, alam ko kung ano ang relationship namin ni Papa and how we are to each other.

“It's not my problem anymore. I'm eighteen [years old], I don’t care if I'm that affectionate to my dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I missed him, he's gone for two months.”

MALING AKALA. Ibig niyang sabihin, nakakabaliw ang mundong ito dahil sa mga maling akala ng karamihan.

Saad ni Inigo, “Yeah, it's part of it.

“Everyone's gonna do that. Everyone will try to find negative to say.”

Dahil ba sa naging isyu ay takot na siyang mag-post ng mga litrato sa kanyang IG account, dahil baka muli siyang malagay sa alanganin?

Tugon ni Inigo, “Hindi po, not at all.

“You know, I'll post whatever I want to, 'cause first of all, it's my Instagram, and second, it's my dad.

“And it's not gonna be a problem, it shouldn't be a problem at all.

“If anything, people shouldn’t to do that because... you wouldn't be here if not for your parents.

“So give them love and, you know, be proud, they're your parents.”

Ano ang mensahe niya sa mga netizen na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over sa litrato nilang mag-ama?

“Wala akong masabi. Hindi ko naman problema yun, sila ang may problema dun, e.

“That's all, salamat po,” pagwawakas ni Inigo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN