Maine Mendoza: "Gusto ko rin minsan huwag i-deny ng lalaki na nagseselos siya."

IMAGE Eat Bulaga! Facebook

Maine Mendoza on dealing with a jealous boyfriend or love interest: "Cute kasi yung nagseselos. Basta huwag lang sosobra, yung normal lang. Kasi kung sobrang nagseselos 'yan, mauuwi 'yan sa hiwalayan."


Trending topic ang pagbibigay nina Alden Richards at Maine Mendoza ng personal nilang opinyon at ilang tips pagdating sa pakikipagrelasyon.

Base ito sa hiwalay nilang pagsabak sa Question & Answer portion sa Facebook live video ng Eat Bulaga! noong Miyerkules ng hapon, Agosto 3.

SELOSAN ISSUE. Dito ay inamin ni Maine na gusto niya sa isang potential boyfriend na umaaming nagseselos ito kapag nakikita ang babaeng gusto nito na may kausap na ibang lalaki.

Sabi ni Maine, “Cute kasi yung nagseselos. Basta huwag lang sosobra, yung normal lang.

“Kasi kung sobrang nagseselos ‘yan, mauuwi 'yan sa hiwalayan.

Ayon pa kay Maine, senyales ang pagpapakita ng “konting-konting selos” na may feelings ang lalaki sa isang babae.

Paliwanag ng Dubsmash Queen, “Gusto ko rin minsan huwag i-deny ng lalaki na nagseselos siya.

“Mas okey na minsan umamin siya, sabihin niya sa babae, sabihin niya as akin na, ‘Nagseselos ako.’

“Kasi iba yung dating sa amin. Kasi medyo nakakakilig kasi yun, e.

“Sa moment na yun, kapag umamin [yung guy], yung babae, ‘E, di sige, hindi ko na kauusapin.’

“May dating yun sa babae. Ili-limit na rin niya yung sarili niya sa interaction dun sa lalaking kausap niya.”

Nang itanong kay Alden ang parehong hypothetical boyfriend-girlfriend situation, sinabi ng aktor na hindi siya basta aamin kapag nakaramdam siya ng pagseselos.

Sabi ng Pambansang Bae, “Kunwari ako, if ever may ka-date ako, tapos nakita ko sa mall may kasama, may nakasalubong [na guy friend na] matagal nang hindi nagkita, okey lang naman.

“Pero yung tatagal kayo ng isa o dalawang oras na nakatayo lang dun [at nagkukumustahan], anong gusto niyo palabasin?

“Kung ako ang nagsabi niyan, ‘Hindi ako nagseselos,’ [ang totoo] nagseselos ako.”

DATING OUTFIT. Samantala, tinanong din si Maine kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag ang kanyang nobyo ay nag-text na male-late ito sa kanilang date dahil wala pa itong masuot na damit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Maine: “Malay naman natin wala talaga.

“Malalaman mo naman ‘yan kung nagdadahilan lang o kaya yung rason niya talaga ay totoo, wala talaga siya masusuot.

“[Pero] date lang naman, di ba? Kung date lang naman, dyusko, importante naman magkasama kayong dalawa.

“Bakit, idi-date mo ba yung suot niya?”

Aminado naman si Maine na mas conscious ang babae pagdating sa paghahanap ng perfect outfit kaysa sa lalaki.

“Ganun kasi talaga ang ibang babae. Struggle nila in their everyday lives ang paghahanap ng isusuot.

“Lalo na kung importanteng araw, tulad ng date, gusto nila pinaghahandaan. Ayaw nila ng puchu-puchu lang. Depende sa babae.

“Pero ang importante, magkasama kayong dalawa.”

Para naman kay Alden, maiintindihan daw niya kung masyadong conscious ang babae sa pananamit nito.

“Kasi ang girls, kapag nakikipag-date ‘yan, gusto nila siyempre bihis na bihis sila kapag kasama nila yung partner nila.

“Kasi siyempre para hindi na tumingin sa iba.

“Not unless sobrang loyal sa ‘yo ng boyfriend mo. He loves you for who you are, hindi na titingin ‘yan.

“It’s a conscious effort sa girls. Kahit sabihin namin na ‘wag na, kailangan sila magpaganda pa rin.”

Pero kung movie date lang ay hindi na raw kailangan todo ang effort sa pag-aayos ng isang babae.

Dagdag ni Alden, “Kahit naka-T-shirt lang ok na!

“Make-up, pabango, blower, plantsa… Huy! Movie date lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN