TV5 news personalities leave network to join Duterte administration

IMAGE File

Nalagasan ng ilang bigating pangalan sa pagbabalita ang News5 ng TV5 dahil karamihan sa mga ito ay piniling sumama sa bagong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Simula noong Lunes, August 1, nagbago na ang takbo ng mga news program ng TV5 dahil naging single-anchor format ang ilan nilang programa.

Ito ay ang Aksyon Sa Umaga, Aksyon Sa Tanghali, at Aksyon Tonite.

Ayon sa ulat ng medianewser.com, nag-takeover si Cheryl Cosim sa Aksyon sa Umaga.

Si Raffy Tulfo naman ang solo anchor sa Aksyon Sa Tanghali sa pag-alis ni Cherie Mercado sa programa.

Si Ed Lingao naman ang solo anchor sa Aksyon Tonite.

Hindi naapektuhan ang Aksyon Prime ng TV5 kung saan nananatiling hosts dito sina Luchi Cruz-Valdes at Erwin Tulfo.

JOINING THE DUTERTE ADMINSITRATION. Bakit nga ba ganito ang naging takbo sa news department ng TV5?

Ayon pa rin sa ulat, maaaring ang hakbang na ito ng pamunuan ng news department ay bilang tugon sa pagkalagas ng ilang mga bigating personalidad ng kanilang departamento.

Matapos kasing manalo ni Rodrigo Duterte bilang pangulo, kinuha agad nito si Martin Andanar upang pamunuan ang Presidential Communications Group ng Malacanang.

Read: Incoming press secretary Martin Andanar promises close relationship between Duterte and media

Sumunod sa kanya si Cherie na piniling maging spokesperson ng Department of Transportation (DOTR).

No longer a media ID

A photo posted by Cherie Mercado (@cheriemercado) on

Ang senior correspondent ng Kapatid network na si Ina Zara ay itinalaga namang media director ng Department of Tourism (DOT).

Ang asawa ni Ina na si Jun Loyola ay pinili ring maging bahagi ng Presidential Communications Group.

Samantala, ang news head ng istasyon na si DJ Sta. Ana ay lumipat na rin sa private sector.

Hiningan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 news department ng pahayag tungkol sa ulat na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN