Maine Mendoza wins, Alden Richards loses in #NoToSkinnyJeansAlden challenge

IMAGE Screengrab from Eat Bulaga! Facebook

Nangako si Alden Richards na hindi na siya magsusuot ng skinny jeans matapos mag-trending sa Twitter ang hashtag na #NoMoreSkinnyJeansAlden challenge sa kanya ng kaparehang si Maine Mendoza.


Natalo si Alden Richards sa hamon ni Maine Mendoza na maging trending topic ang #NoMoreSkinnyJeansAlden sa Twitter.

Nag-ugat ito sa rebelasyon ni Maine sa “I Like You Meter” ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung saan inamin ng dalaga kay Alden: “I hate your skinny jeans!”

Lumabas sa PEP ang video ng “I Like You Meter” nina Maine at Alden noong Miyerkules ng gabi, Agosto 3, isang araw bago ang kanilang 55th weeksary bilang magka-love team.

Sa “He Said, She Said” ng Eat Bulaga! Facebook live video nitong Huwebes, Agosto 4, muling binanggit ni Maine ang pagtutol niya sa skinny jeans ni Alden.

MAINE CHALLENGES ALDEN. Pinanggigilan pa ni Maine si Alden sabay turo sa suot na skinny jeans nito: “Ikaw talaga! Naka-skinny jeans na naman si Alden!

“Para po sa lahat ng Dabarkads na naniniwala na dapat pong hindi mag-skinny jeans si Alden, please use hashtag #notoskinnyjeansalden. Thank you, Dabarkads. Please let it trend!”


Nagulat si Alden sa hamon ni Maine at sinabing: “Kapag ‘yan nag-trend! For the record, hindi ito skinny jeans—ripped jeans. Maluwag kaya!”

Hindi tumigil sa pang-aasar si Maine at tuluyang hinamon si Alden.

“Ayan, para po kay Alden. Bilang weeksary po namin,” pag-apela ni Maine sa netizens na nanonood ng kanilang Facebook live video.

“Makikita natin kung talagang gusto ng mga tao na tumigil ka.

“Kapag nag-trending siya, magdi-dare tayo na hindi ka na mag-skinny jeans kahit kailan. Mangako ka!”


Sagot ni Alden, “O, sige, basta ‘yan mapasama sa trend list, bihirang-bihira niyo po ako makikita na mag-skinny jeans.”

Hirit ni Maine, “Anong bihira?”

Sagot ulit ni Alden, “Hindi na. Hindi na. Hindi na ako mag-skinny jeans.”

Siniguro ni Maine na hindi babawiin ni Alden ang pangako nito.

Sabi ng Dubsmash Queen, “Ilan po viewers natin [sa Facebook live], 13,000? Mangako ka sa 13,000 viewers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumalima naman si Alden: “Nangangako po ako sa 13,000, at saka sa future 13,000 [viewers] na hindi po ako mag-skinny jeans.”


Hindi nagtagal ay naging trending topic ang #NoToSkinnyJeansAlden, na umani ng mahigit 419,000 (as of 7 P.M.) tweets sa Twitterverse.


MAINE, ALDEN TWITTER EXCHANGE. Tagumpay si Maine sa kanyang hamon kaya agad niyang pinaalala kay Alden ang pustahan nila.

Ito ang naging sagot ni Alden kay Maine:

Sa huli, bumilib si Maine sa pagiging good sport ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN