Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Marian Rivera morning show to end on August 12

by Rose Garcia
Aug 4, 2016
Marian Rivera on her next primetime series in GMA Network: "Ang GMA naman, wala namang sawa na magbigay sa akin ng soap kung ano ang gusto kong soap. Makikipag-usap, kaya lang naisip ko rin, si Dong kasi, may soap na. Tapos sasabay ako. So, iniisip ko, paano ang gagawin ko?"

Kinumpirma ni Marian Rivera na hanggang August 12 na lang ang kanyang daily morning show sa GMA Network na Yan Ang Morning.

Saad niya, “Oo, kasi ang talagang pinirmahan ko sa GMA, one season lang talaga.

“Sabi nila, ‘Extend na natin hanggang three weeks, paabutin na natin hanggang birthday mo.’

“Siyempre ako rin, gusto ko rin mag-focus kay Zia [her baby daughter], especially ngayong lumalaki na siya at pumapasok na siya sa school.”

Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang programa, posibleng ulanin ng intriga ang Kapuso Primetime Queen. Ngunit hindi nababahala rito si Marian.

Nakangiting sabi niya, “Naku, hayaan mo sila.

“Ang alam ko nga, tuwang-tuwa sa taas dahil full load ang show.”

Ang ibig sabihin ni Marian ay puno ng commercials ang Yan Ang Morning kaya masaya ang GMA management.

Dugtong pa niya, “At the same time, makikita pa rin naman nila ko sa Sunday PinaSaya.

“Actually, two times a week lang ang taping ng Yan Ang Morning, kaya lang maghapon.

Continue reading below ↓

“Gabi na ako umuuwi kasi lumalabas na kami ngayon.”

Kasabay nito ay nagte-taping pa siya ng epicserye na Encantadia, kung saan gumaganap siya bilang si Inang Reyna.

Pero kahit malapit na ring mamatay ang karakter niya rito, posible raw na susulpot-sulpot pa rin siya rito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling reporters si Marian sa taping ng Yan Ang Morning sa Korean Cultural Center, sa Bonifacio Global City, Taguig, ngayong araw, August 4.

Tulad ng paliwanag ni Marian, hanggang sa susunod na Biyernes, August 12, mismong kaarawan niya, na lang talaga ang kaya niyang ibigay na extension para sa Yan Ang Morning.

Sa finale episode, ang mister niya at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang special guest ni Marian.

BABY ZIA. Samantala, nabanggit din ni Marian na nag-aaral na ang anak niyang si Zia kahit magsi-siyam na buwan pa lamang ito.

Kuwento ng actress-TV host, “About music lang naman, para yung social development niya, hindi siya takot sa tao.

Continue reading below ↓

“Di ba, yung music, kapag inano mo sa utak, mas nade-develop ang personality niya?

“So, gusto kong mag-focus din dun.”

Tuwang-tuwa at kinikilig pa nga si Marian habang ipinapakita sa press ang mga kuha niyang larawan at video ni Zia, na katulad niya ay masayahin at palatawa rin.

COMEBACK TELESERYE. Ibinalita rin ni Marian na pinag-uusapan na ang susunod niyang full-length teleserye, ngunit tila medyo matatagalan pa ito.

Saad niya, “Ang GMA naman, wala namang sawa na magbigay sa akin ng soap kung ano ang gusto kong soap.

“Makikipag-usap, kaya lang naisip ko rin, si Dong kasi, may soap na. Tapos sasabay ako.

“So, iniisip ko, paano ang gagawin ko?

“Pero nagpapasalamat talaga ako sa GMA kasi hindi sila nauubusan ng io-offer sa akin.

“Sabi ko naman, gagawa naman talaga ko ng soap, pero siguro, ta-timing lang ako.”

Ayon pa kay Marian, “Siguro sa ngayon, unti-unti, pero sa ngayon kasi, mas gusto ko munang mag-focus kay Zia.

Continue reading below ↓

“Pero hindi naman ibig sabihin nun, e, titigil ako.”

Sa isang buwan ay magkakaroon din ng series of shows sina Marian at Dingdong sa Amerika, at isasama nila si Zia.

Ito ang unang pagkakataong aalis sila ng bansa kasama ang kanilang anak.

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, Dingdong Dantes
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on her next primetime series in GMA Network: "Ang GMA naman, wala namang sawa na magbigay sa akin ng soap kung ano ang gusto kong soap. Makikipag-usap, kaya lang naisip ko rin, si Dong kasi, may soap na. Tapos sasabay ako. So, iniisip ko, paano ang gagawin ko?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results