Mocha Uson hurt by bashing over 'BOC appointment'

IMAGE @mochauson on Instagram

Inamin ni Mocha Uson na nasasaktan siya sa mga mensahe ng bashers sa kanya dahil sa paglabas ng balitang  naitalaga diumano siya bilang social media consultant sa Bureau of Customs. Boluntaryo raw ang kanyang pagtulong sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at wala siyang hinihinging kapalit.


Usap-usapan sa social media kahapon, August 4, ang singer-dancer na si Mocha Uson dahil sa balitang naitalaga diumano siya bilang social media consultant ng Bureau of Customs (BOC).

Pero kaagad namang pinabulaanan ng BOC ang naturang balita..

Read: Bureau of Customs denies Mocha Uson appointment as social media consultant

Dahil dito, nag-trending sa Twitter ang hashtag na #DutertePleaseAppointMe.

Dito ay naghayag ang netizens ng kanilang galit, mayroon ding nagbiro, at mayroon ding nagyahag ng hugot lines tungkol sa balita.

Kinahapunan, naglabas ng kanyang pahayag ang lider ng Mocha Girls tungkol sa isyu.

Ipinaliwanag ni Mocha na ang layunin niya sa kanyang pagpunta sa BOC at pag-interview kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ay upang ipaabot dito ang mga hinaing ng followers niya sa kanyang blog.

Pahayag niya, “Itong nakaraang araw ako po ay nagpunta sa BOC to interview Comm. FAELDON.

“Nagpunta din po ako doon dahil po may mga concerns po ang ating mga kababayan patungkol po sa mga pangyayari noong nakaraang administration sa BOC.

“Inilapit ko po ito dahil ako po ay naniniwala sa bagong commissioner po natin. At sa interview na yun sinabi po ni Comm. Faeldon na kailangan niya ng tulong at kooperasyon ng bawat sektor ng ating lipunan tulad na lamang ng social media.

“Upang maikalat ang impormasyon at magandang programa ng BOC ngayon. Kaya tulad ng aking interview noon kay Pangulong Duterte (nasa video pa po yan) pati na rin kay Sec. Tugade atbp. sa pamamagitan ng aking blog sa social media, sinabi ko na handa po akong tumulong ng walang kapalit na sahod, title or official position.

“Dahil naniniwala ako na hindi lamang po si Pangulong Duterte ang magdadala ng TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bayan. Bawat isa po sa atin, maging ordinaryong Pilipino na katulad ko, ay may kakayanan tumulong para sa TUNAY NA PAGBABAGO.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“TUNAY NA PAGBABAGO.” Ayon pa kay Mocha, ikinalulungkot niyang kaagad siyang nahusgahan dahil lamang sa maling balita.

Wala raw siyang ibang hangad kundi ang pagbabago sa bayan sa pamamagitan ng pagtulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, “Uulitin ko po, WALA PONG OFFICIAL APPOINTMENT NA NAGANAP SA BOC. BINIBIGYANG KULAY LAMANG ITO NG IBA.

“Dahil ito ang totoo- ANG KAAWAY NG GOBYERNO NATIN NGAYON AY NAGHAHANAP NG KUNG ANU-ANONG DAHILAN UPANG SIRAAN SI PANGULONG DUTERTE.

“Nakakalungkot lang isipin na may mga taong mabilis kumundena ng kapwa nila kesa sa tumulong na lamang para sa bayan.

“Tuloy ang laban para sa TUNAY NA PAGBABAGO!”

THE PAST. Sa panayam naman ni Mario Dumaual sa kanya na lumabas sa Bandila kagabi, August 4, ikinadismaya rin ni Mocha ang pag-ungkat ng ilang netizens sa kanyang nakaraan.

“Inuungkat pa yung mga sexy pictorials ko noon, yung sex blog ko noon, six years ago pa yun.

“Yung mga tweet ko niri-retweet nila.

“Di ba, dapat suportahan natin? Tulungan natin yung mga taong gustong magbago?

“Ito na nga yung ginagawa ko, e, sa influence ni Pangulong Duterte.”

Mensahe pa niya, “Huwag po kayong mag-aalala, hindi po mapupunta sa akin ang tax ninyo, walang ganun, kasi po ako ay nagboluntaryo na tumulong po sa lahat ng ahensiya ng ating gobyerno.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN