Ruffa Gutierrez reveals juicy detail about ex-couple Karla Estrada and Rommel Padilla

IMAGE @iloveruffag Instagram

Ruffa Gutierrez on Karla Estrada and Rommel Padilla's past romance: "Alam niyo yung nangyari? Kami, tsika-tsika lang kami ni Robin Padilla. Dyusko ang driver ko [si Karla], iba na pala ang ginagawa doon sa baba! Ang bunga? Si Daniel Padilla."


Ibinuking ni Ruffa Gutierrez kung paano nagbunga ng isang Daniel Padilla ang relasyon ng dating magkasintahan na sina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Noong mga panahong iyon, boyfriend daw ni Ruffa si Robin Padilla, sikat na action star at nakababatang kapatid ni Rommel.

Ang matalik niyang kaibigan na si Karla ang nagsilbing “chaperone/driver” niya sa tuwing magde-date sila ni Robin.

Pagsisiwalat ni Ruffa, “Alam niyo yung nangyari? Kami, tsika-tsika lang kami ni Robin Padilla.

“Dyusko, ang driver ko [si Karla], iba na pala ang ginagawa doon sa baba!

“Ang bunga? Si Daniel Padilla!”

Base ito sa guest appearance ni Ruffa sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Biyernes, Agosto 5.

PAST ROMANCE. Kinumpirma ni Karla ang kuwento tungkol sa pagiging magkarelasyon nila ni Rommel noon.

"Oo, susunduin kita [Ruffa], pero kotse ko [ang gamit]. Ihahatid ko siya. Magdi-date sila ni Robin.

“Tapos habang hinihintay ko siya, ini-entertain ako ni Rommel!” natatawang pag-amin ni Karla.

Ayon pa kay Karla, si Ruffa ang unang nakaalam nang ipinagbubuntis niya si Daniel mahigit 21 taon na ang nakararaan.

“Siya yung pinakaunang tao na sinabihan ko na buntis ako kay Daniel.

“And sabi lang niya, ‘Whatever your decision isu-support ko basta nandito lang ako.’”

Kaugnay nito, biglang naging emosyunal si Karla nang siya ay magbalik-tanaw sa nakaraan.

“Ang pulot ko ngayon, talagang yung pagiging ina, kaya mo ipagpalit ang lahat.

“But of course, yung work lang ang hindi, kasi kung ikaw din ang bumubuhay dahil singple parent katulad ko.

“Sobrang thankful ako dahil meron akong anak na gumabay sa akin at katuwang ko—and that’s Daniel.”

TRUE FRIENDS. Nagpasalamat din si Karla kay Ruffa sa pagiging tunay nitong kaibigan mula noong sila ay 15 taong gulang hanggang kasalukuyan.

Si Karla ay 40 taong gulang, habang si Ruffa ay 42 sa ngayon.

Sabi ni Karla, “Si Ruffa ang isa sa mga nakakita sa akin since nag-uumpisa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya rin yung unang pinaka naging masaya dahil nag-message siya sa akin noon.”

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Ruffa para kay Karla.

“I'm so happy na talagang lahat ng hirap na dinanas mo, na-overcome mo yun. Tignan mo ngayon.

“Because Karla is a true friend, she’s a true person, kaya tingnan mo naman yung ibinigay na pagbabalik sa kanya ni Lord.Successful na siya ngayon.

“So, hindi ka na maghihirap.

“Lahat ng kadiliman na nangyari sa buhay mo, pumalit yun ng masasayang araw, at hopefully forever na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN