Richard Yap mulls retirement from showbiz at age 55

IMAGE Noel Orsal

Richard Yap is laying out plans for the future. "I can go earlier or I can go later, I can stop. Meron lang akong date or time kung hanggang kailan. Pero so far, okay pa naman, e," he reveals.


Pinag-iisipan ni Richard Yap na tumigil sa pag-aartista pagtuntong niya sa edad na 55.

Ipinahayag ito ng Kapamilya actor sa story conference ng Mano Po 7: Chinoy ng Entertainment Inc. kahapon, August 4.

“Sabi ko sa sarili ko, hanggang fifty-five siguro, pero hindi kasi natin masabi, e.

“Meron lang akong plan, pero it’s subject to… I can go earlier or I can go later, I can stop.

“Depende kung there’s a clamor for me to be in showbiz pa rin, I can stay.

“Meron lang akong date or time kung hanggang kailan… parang when I had a job before.

“Sinasabi ko, at this age, wala na ako sa ganitong trabaho, nangyari naman siya.

“Pero so far, okay pa naman, e,” pahayag niya.

Suportado naman daw ng pamilya niya kung ano ang plano ni Richard.

Saad niya, “Okey lang sa wife ko whatever I do… as long as we’re still doing okay, okay lang sa kanya.”

Kung sakali man, magpo-focus na lang raw ang 49-year-old actor sa mga nasimulan nilang negosyo.

“I’m still doing business, kaya most likely, more on the business side pa rin ako,” sabi niya.

CHINOY. Masaya naman daw si Richard sa takbo ng showbiz career niya ngayon.

Siya ang napiling magbida sa Mano Po 7: Chinoy na isasali ng Regal sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Si Ian Lorenos ang magdidirek at sinasabi nitong si Richard lang talaga ang pupuwede sa role ng bidang lalaki sa pelikulang ito.

Tingin ng chinitong aktor, mayroon siyang puwedeng i-suggest sa takbo ng istorya.

Marami raw kasi siyang experience sa mga nakilala niyang Chinese families.

“May kaibigan ako na ganun ang buhay, e, so nakikita ko kung papano siya nangyari talaga.”

Ilan sa makakasama ni Richard sa proyektong ito sina Jean Garcia, Enchong Dee, Janella Salvador, at Jana Agoncillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN