Horror Queen Lilia Cuntapay needs financial assistance

IMAGE Cagayan Provincial Information Office on Facebook

Nangangailangan ng tulong pinansiyal ang beteranang character actress na si Lilia Cuntapay. Kasalukuyang nasa Cagayan si Lilia kapiling ang kanyang anak.


Nananawagan ng tulong ang veteran character actress na si Lilia Cuntapay, na nakilala sa kanyang pagganap bilang aswang sa horror movies.

Ito ay matapos siyang maospital dahil sa problema niya sa spinal cord.

Sa video message na in-upload ng Cagayan Provincial Information Office ngayong Biyernes, August 4, may pakiusap si Aling Lilia sa mga naging kasamahan niya sa industriya at sa mga nagmamahal sa kanya.

Sabi ng 81-year-old actress, “Sa mga concerned citizens diyan, like yung mga directors ko, mga co-workers ko, wala na ako sa showbiz dahil may sakit ako.

“Andito po ako sa Pinili, Ilocos Norte. Kung mahal ninyo pa ako, any help will be appreciated.”

Kalakip ng naturang post ang tatlong larawan kung saan kitang nakasakay sa isang wheelchair si Aling Lilia.

Ayon sa mensahe ng Cagayan PIO, “Ika-4 ng hapon noong Agosto 3, 2016 ng sunduin ng grupo ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) ang sikat na horror aktres na si Lilia Baclig Cuntapay sa Gonzaga, Cagayan.

“Si Elma Daet, isang kagawad ng barangay Cabiraoan sa bayan ng Gonzaga ang tumawag sa Municipal Coordinator na si Analyn Turingan, at siyang humingi ng tulong para sa aktres na si Cuntapay. Sa kanyang tawag, agad na rumesponde ang grupo ng TLFC.

“Ang aktres na gumaganap ng ilang papel sa mga sikat na pelikulang horror ay hindi makalakad dahil sa sakit sa spinal cord. Sa panayam ng TLFC sa kanya, nagsimula ang sakit noong July 5 at mula noon ay nakaupo na lamang sapagkat hindi na makalakad. Nawalan na din siya ng mga proyekto at hanap-buhay dahil sa kanyang karamdaman matapos ang 39 years sa industriya.”

Sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Facebook page ng Cagayan PIO.

Ang huling malaking programang nilabasan ni Aling Lilia ay ang Forevermore ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN