Newcomer Danielle Lee happy about sister Divine Lee's love life

IMAGE Noel Orsal / @blake_go on Instagram

Umaasa si Danielle Lee na si Blake Go na ang makakatuluyan ng kanyang ate na si Divine Lee.


Ngayong araw, August 6, ang unang anibersaryo ng relasyon ni Divine Lee at ng Chinese businessman boyfriend nitong si Blake Go.

Ang pamilya ni Blake ang may-ari ng Prince Warehouse Club na may ilang branches sa Visayas at Mindanao.

Sa kani-kanilang Instagram account, ipinaramdam nina Divine at Blake ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Si Blake ang naging boyfriend ni Divine matapos silang maghiwalay ni Victor Basa.

SUPPORTIVE SISTER. Nitong nakaraang linggo, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakababatang kapatid ni Divine na si Danielle Lee.

Naganap ang panayam sa contract signing ni Danielle bilang bagong Regal Baby ng Regal Entertainment, Inc.

Sabi ni Danielle, sobra siyang masaya para sa ate niya dahil nahanap na nito ang maituturing niyang forever.

Aniya, “Of course, who wouldn’t be?

“Finally makakaano na rin ako na parang sana… to cut the story short, I really, really feel comfortable when she’s with Blake.

“Ganun na lang, alam mo, e, alam mo 'pag totoo, e, na true love.

“For them, hindi ako nagwu-worry kapag nasa Cebu siya.

“I’ve never seen my sister that in love, so that means it must be… I’m hoping [na sila na nga].”

Ayon kay Danielle, ang kanyang ate ang naging sandigan niya sa kanyang paglaki.

“Growing up with my sister, I couldn’t ask for more.

“Para kaming two pillars of a roof.

“Kung anong weakness niya, tinutulungan ko siya. Kung anong weakness ko, tinutulungan niya ako.

“And yun nga, naniniwala ako sa saying na lahat inilalaan na ng Diyos, para sa ‘yo.”

Napaka-protective din daw ni Divine sa kanya, na kahit saan siya magpunta ay kailangan daw alam nito ang kanyang schedule.

THE BEST FATHER. Naging kontrobersiyal ang pamilya nina Danielle at Divine nang masangkot sa housing scam ang kanilang amang si Delfin Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Danielle, wala siyang alam sa business side ng ama, pero ipinagmamalaki niya ito bilang haligi ng kanilang pamilya.

“Wala ako medyo alam [sa business], family side, tatay ko is my worst and best critic.

“And, you know what, sa lahat, I could never ask for a better father.

“Alam mo, he was always been supportive of whatever we do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN