Mark Herras respects Enzo Pineda's decision to leave GMA Artist Center

IMAGE Rose Garcia

Mark Herras on good friend and fellow StarStruck alumnus Enzo Pineda's decision to leave GMA Artist Center: "Siyempre, choice nila yun kung lilipat sila ng manager or kung sinong magha-handle, di ba? Siyempre may mga gusto silang plano sa buhay."


Naiintindihan daw ni Mark Herras ang desisyon ng kaibigan at kapwa niya StarStruck alumnus na si Enzo Pineda na umalis na sa poder ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Si Enzo ay nasa pangangalaga na ngayon ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Saad ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor, “Yung ganyan, siyempre… ano bang puwede kong sabihin?

“Siguro, siyempre sarili nilang choice yun, di ba?

“I mean, wala naman tayong puwedeng masabing masama or kung anuman about it.

“Pero siyempre, choice nila yun kung lilipat sila ng manager or kung sinong magha-handle, di ba?

“Siyempre may mga gusto silang plano sa buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa dining hall ng Studio 7 ng GMA Network Center noong Huwebes, August 4, kunsaan may PEPTalk shoot ang cast ng afternoon drama series na Sa Piling Ni Nanay.

NOT SURPRISED. Ikinagulat ba niya ang paglipat ni Enzo?

Ayon kay Mark, “Well, hindi ko naman kailangang magulat, actually.

“Kasi siyempre lahat naman tayo, kunyari, for example, nandito tayo sa showbiz, di ba, siyempre alam natin yung gusto nating gawin sa buhay natin...

“Yung mga sarili nating decisions na kunyari hindi na siya nagpahawak sa Artist Center.

“Pero siyempre, meron siyang sariling dahilan kung bakit ganun.

“Kung anuman yun, basta ako for Enzo, I hope na sana maging okey yung career niya and yung trabaho niya.”

RESPECT. Magkaibigan sila pero hindi pa raw nila napag-uusapan ni Enzo ang nangyari.

Saad ni Mark, “Siyempre, hindi mo naman kailangang… I mean, yes, we’re friends, pero yung mga ganung personal na bagay, hindi mo naman right para alamin na, ‘O, ano'ng nangyari?’

“Kasi for us, naiintindihan namin kung may mga decisions na ginagawa yung mga kaibigan namin about their careers, siyempre.

“Siyempre iba-iba yun.

“Kumbaga, nirerespeto ko kung ano man yung naging desisyon ni Enzo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang magpapaseksi na si Enzo sa mga projects nito.

“Bagay naman, e. Nakita niyo naman ang katawan nun!” pagsang-ayon ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN