Prince Stefan overwhelmed by positive feedback since coming out

IMAGE Prince Stefan Instagram

Prince Stefan feels thankful for the positive changes in his life since his admission about his "no label" relationship with his friend Paolo Amores: "Madaming changes. Mas naging totoo ako sa sarili ko. No more pretensions. I'm being 100 percent genuine, so naging mas magaan ang takbo ng buhay ko. In short, naging mas masaya ako."


Marami na raw pagbabago sa buhay ng StarStruck 4 First Prince na si Prince Stefan mula nang aminin niya ang tungkol sa kanyang sexual preference.

Kung matatandaan ay inamin ni Prince ang tungkol sa pakikipag-date niya sa kapwa niya lalaking kaibigan na nagngangalang Paolo Amores.

Read: Prince Stefan admits "no label relationship" with guy friend

Noong lumabas ang kanyang confession dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mas naging magaan na raw ang takbo ng buhay ni Prince at maituturing niyang pinakamasayang bahagi na ito ng kanyang buhay.

“Madaming changes. Mas naging totoo ako sa sarili ko.

“No more pretensions. I’m being 100 percent genuine, so naging mas magaan ang takbo ng buhay ko.

“In short, naging mas masaya ako.

“I can truly say, it’s the happiest moment of my life,” pahayag ni Prince nang makapanayam siya ng PEP, via private messaging sa Facebook, noong August 5.

POSITIVE FEEDBACK. Ikinatutuwa rin ni Prince ang maraming positive feedback sa kanyang pag-amin mula sa LGBT (Lesbian Gay Bisexual and Transgender) community.

Saad niya, “Nakakataba ng puso.

“Reading all the the lovely positive comments and support from them gives me strength and it makes me happy.

“I love the LGBT community and I appreciate them so much.”

Napansin din ni Prince na mas dumami ang followers niya sa kanyang social media accounts.

“After the article in PEP came out, dumami ang followers ko bigla, especially sa Instagram.

“Natutuwa ako kasi mas makikilala nila kung sino ako through the photos na pinu-post ko everyday.

“The reason that I do IG is dahil para ko na siyang diary. I love taking pictures and the moments na nangyayari sa akin every day.

“Hindi dahil sa gusto kong maka-catch ng attention. That is not my goal.

“Gusto ko lang mag-share ng mga nangyayari sa buhay ko,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatanggap din daw ng mga mensahe si Prince mula sa mga ka-batch niya sa StarStruck 3. Masaya raw sila sa pag-amin niya.

Dagdag niya, “Sila kasi ang mga nakakakilala talaga sa akin before pa.

“So, hindi na bago sa kanila ang issue about my sexuality. Wala nang nagulat sa kanila.

“Pero sobrang happy sila sa naging decision and revelation ko.”

PAOLO IN THE LIMELIGHT. Hindi lang daw kay Prince nagkaroon ng interes ang maraming netizens, kundi pati na sa kanyang idine-date na si Paolo.

Ayon kay Prince, medyo na-overwhelm si Paolo sa biglaang attention na ibinigay sa kanya ng marami sa social media.

“Paolo is okay with it naman.

“Overwhelming daw ang mga positive comments and support from the LGBT community.

“Masaya siya na madaming taong sumusuporta at na-inspire sa aming dalawa.”

Nag-share pa ng konting detalye si Prince para sa followers niya na nagtatanong tungkol kay Paolo.

Pagmamalaki niya, “Paolo is very sweet and generous.

“He is the nicest person I’ve met under the sun.

“Napakahaba ng pasensiya niya kasi we’ve known one another for one year na, and he’s still here for me.

“Every time nandito siya sa Pilipinas, lagi niya akong naaalalang imbitahan na mag-dinner, manood ng movie or hangout with our friends.

“Kahit minsan hindi ko siya nasisipot or bigla kong nakaka-cancel ang lakad namin, hindi siya nagsasawa.

“He is also a family person. I love that certain quality that he has kasi malapit din ako sa family and friends ko.”

NOT RUSHING RELATIONSHIP. Bago nga bumalik si Paolo sa Singapore, kunsaan ito naka-base, nasa “getting-to-know-each-other” stage pa rin sila.

Ayaw nga raw madaliin ni Prince ang anumang magandang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon.

Saad niya, “We are doing great. We are still getting to know each other. No label muna talaga.

“As I’ve said, we are not rushing things. Dadating ang right time for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are both happy kung ano mang relationship ang meron kami ngayon.

“Paolo is back in Singapore to work, but he said that he will find time for us para magkita kami every month or pag hindi kami busy sa work.

“He is coming back very, very soon!”

See you again real soon????

A photo posted by Prince Stefan (@iamprincestefan) on

MORE WORK OFFERS. Isa pang good news ni Prince ay mas dumami raw ang mga trabaho niya after niyang mag-out.

He is currently shooting the gay comedy Working Beks for Viva Films at nai-cast siya sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Sunud-sunod din ang kanyang personal appearances sa iba’t ibang events.

Sabi ni Prince, “All these projects naman came months ago before pa ang revelation.

“Mas nadagdagan pa, kaya I am very happy and grateful with my Viva Family and with ABS-CBN.

“Despite sa mga nangyaring issues before, binigyan pa rin nila ako ng chance magtrabaho.

“No regrets sa mga nakaraan ko. I believe everything happens for a reason.

“Whats important for me is NOW.” '

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Prince sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, lalo na noong mag-out na siya.

Aniya, “I just want to say thank you sa lahat ng natuwa, sa mga followers, family and friends ko na very supportive all throughout.

“Just can’t thank you enough mga beh!”

ADVICE. May gusto ba siyang i-advice sa mga patuloy na nagtatago ng kanilang tunay na pagkatao?

Sabi niya, “Naku, mahirap mag-advice.

“Kahit naman ako, need ko rin ng advice. I’m also in the process of learning.

“All I can say siguro, may mga reason ang bawat isa kung bakit may itinatago pa rin tayo.

“Some are still hiding because of their work or because of their family.

“Huwag madaliin or pilitin kasi may tamang timing para diyan.

“Just be real. Don’t be afraid to be yourself because you’ll find peace and happiness if you accept who you really are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN