Barbie Forteza surprised that Andre Paras unfollowed her on Twitter

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza feels clueless as to why loveteam partner Andre Paras unfollowed her on Twitter: "Ayoko naman magpaka-bitter. Ayoko naman siyang tawagan para tanungin ang tungkol diyan. Ayokong ipilit ang sarili ko. Pero wala akong makitang reason para gawin niya iyon."


Kitang-kita sa mukha ng Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza ang pagkagulat nang malaman niyang hindi na siya pina-follow ng kanyang ka-love team na si Andre Paras sa Twitter.

Ang mga fans ni Barbie ang unang nakapansin na in-unfollow ni Andre ang Twitter account ng kanilang idolo.

Kaya nagtanong ang fans sa ilang members ng media kung ano ang dahilan kung bakit ito ginawa ni Andre.

Sa naganap na pocket interview kay Barbie ngayong Sabado, August 6, sa Limbaga 77 Restaurant, sa Quezon City, doon lang na-check ni Barbie na totoong hindi na siya pina-follow ni Andre.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ngayon ko lang talaga na-check yun.

“Ang alam ko kasi, pina-follow niya ang mga social media accounts ko.

“Kaya noong makarating sa akin ‘yan, feeling ko hindi naman totoo.

“Kaya nakakagulat noong i-check ko nga, hindi na niya ako pina-follow.”

CLUELESS. Hindi raw niya alam kung ano ang dahilan kung bakit in-unfollow siya ni Andre.

Sa pagkakaalam ni Barbie ay okey sila ni Andre.

Matagal na silang magkaibigan mula noong magtambal sila sa The Half-Sisters at That’s My Amboy.

Nitong nakaraang birthday celebration ni Barbie sa Sunday PinaSaya ay isa pa nga si Andre sa mga naging special guest niya.

Dagdag pa ni Barbie, “Nag-taping pa nga kami ng Bubble Gang noong nakaraang Monday, e.

“Bago pa lahat ‘yan, nagkita pa kami sa event ng YES! 100 Most Beautiful.

“Kaya ewan ko kung bakit… hindi ko alam kung ano ang issue niya sa akin. Na-hurt lang ako.”

NOT PLANNING TO UNFOLLOW ANDRE. Pero kahit na hindi na siya pina-follow ng kapareha, wala naman daw balak si Barbie na i-unfollow si Andre.

“Hindi ko naman gagawin yun.

“Kasi hindi ako mahilig mag-unfollow.

“Kasi kaya pina-follow is because may inaabangan sila sa ‘yo parati.

“That’s why sa social media, ang ginagawa ko lang ay mga promo ng teleserye or ng movie ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapasalamat ako sa mga sponsors ko.

“Hindi naman ako nag-e-express ng masyadong malalim ng feelings sa social media,” saad niya.

NOT PLANNING TO ASK ANDRE. May nagsabing baka raw may kinalaman ang pakikipag-date ngayon ni Barbie kay Kiko Estrada kaya in-unfollow siya ni Andre.

Sabi ng Kapuso star tungkol dito, “Hindi naman siguro ‘yon.

“Ewan ko lang, kasi parang nakakapagtaka lang.

“Ayoko naman magpaka-bitter.

“Ayoko naman siyang tawagan para tanungin ang tungkol diyan.

“Ayokong ipilit ang sarili ko.

“Pero wala akong makitang reason para gawin niya yun.”

INDIE MOVIE. Samantala, kabilang si Barbie sa Kapuso stars na may official entry sa 12th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Nasa pelikulang Tuos si Barbie kunsaan kasama niya ang Superstar na si Nora Aunor.

First time niyang makatrabaho si Ate Guy at malaki raw ang naging tulong nito sa pagganap niya sa pelikula.

Sabi ni Barbie, “Napakasuwerte ko na nakatrabaho ko ang Superstar. Anak nga ang tawag niya sa akin.

“Ibang Barbie Forteza ang mapapanood nila sa Tuos at sana nga ay nabigyan ko ng justice ang pagganap ko rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN