Sarah Lahbati rules out gimmick angle behind Ruffa Gutierrez's mysterious illness

Sarah Lahbati on speculations that Ruffa Gutierrez's mysterious illness is just a gimmick: "I don't think anyone with the right mind will make up a story regarding health, tapos gawa-gawa lang siya. I don't really care, coz everyone has their own opinion."


Sa rebelasyon ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang inang si Annabelle Rama na may misteryosong sakit ang aktres, marami ang nag-espekula na bahagi lang ng gimik ang lahat para may pag-usapan at abangan sa show na pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya.

Read: Ruffa Gutierrez admits being afraid of her mysterious illness

Para naman kay Sarah Lahbati, live-in partner ni Richard at ina ng anak nilang si Zion, nakakabahala na may ganitong pag-iisip ang ibang tao lalo na’t ang kalusugan ng isang tao ang pinag-uusapan dito.

“Medyo nakaka-bother na ganun ang thinking na gimik siya. Pero kasi, talagang nangyari siya.

“We’re talking about health here.

“I don’t think anyone with the right mind will make up a story regarding health, tapos gawa-gawa lang siya.

“I don’t really care, coz everyone has their own opinion.

“Kung ano ang isipin nila, e di okay,” pahayag ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez Season 4.

CONCERN. Siniguro naman ni Sarah na sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan si Ruffa dahil nagpakonsulta na ito sa doktor.

Sabi niya, “You know, we’re all worried kay Ate Ruffa, but she’s feeling better.

“Medyo gumaan na ang loob namin.

“I think it’s normal for Tita Annabelle to react like that, kasi only daughter ‘yan, e.

“Kung ako rin may only daughter na ganun, di ko rin alam ang gagawin ko.

“Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling at kung bakit ganun ang reaksyon niya.

“She’s feeling better so we should not worry anymore.”

“Nagpa-check up na siya. In-advise siya ng doctor kung ano ang dapat niyang gawin.

“I’m happy that she’s feeling better.”

RUFFA'S BREAKUP. Kinumpirma rin ni Ruffa sa naturang presscon na nauwi na sa break up ang ilan taon din nilang relasyon ng foreigner boyfriend niyang si Jordan Mouyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sarah ay buo ang suporta na binibigay nila sa aktres na nasa Europe ngayon kasama ang mga anak.

Aniya, “Ang daming nangyayari kay Ate ngayon, so the best that we can do is to be there for her.

“She’s actually out of the country right now.

“I’m very happy that she’s taking some time off with the kids enjoying the summer season in Europe.

“I hope that when she comes back here, she will be better.”

Cute ang anak nila Sarah at Richard na si baby Zion, at marami ang nagtatanong kung kailan nila ito balak sundan.

Sabi niya, “In the right time, sa tamang panahon.”

WEDDING SOON? Dahil going strong at maayos naman ang pagsasama nila Richard at Sarah sa ngayon, may plano na kaya silang magpakasal lalo na’t mukhang ito na lang ang kulang sa kanila?

Paliwanag niya, “Kakakasal lang kasi ng kapatid ni Chard this year.

“Ayaw namin ng sukob naman, so we’ll see sa tamang panahon din.

“I’m young, he’s young. We’re not in a rush for anything and we like to take one step at a time.

“He’s also busy with work this year.

“Ang daming blessings and opportunities na we don’t wanna miss. This year has been a year of work.”

GETTING TO KNOW HER IN-LAWS BETTER. Kilalang cool Dad si Eddie Gutierrez pero kilala namang matapang at prangka si Tita Annabelle.

Siniguro naman ni Sarah na maganda ang relasyon nila ni Tita Annabelle lalo’t mas kilala na nila ang isa’t isa sa ngayon.

Pag-amin niya, “It is quite challenging.

“Siguro mas challenging siya sa umpisa kasi siyempe you don’t know the person.

“Kumbaga, nangangapa pa kayo sa isa’t isa, but now, alam na namin ang galaw ng isa’t isa—yung kilatis ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW TELESERYE. Kamakailan lang ay lumipat si Sarah ng istasyon mula GMA-7 to ABS-CBN.

Ini-enjoy naman niya nang husto ang mga proyektong binibigay sa kanya sa Kapamilya network.

Pagsang-ayon niya, “Of course! I am enjoying everything that I am doing now.

“Lahat ng trabahong ginagawa ko, I’m just giving my all. I’m enjoying.”

Kasama dapat si Sarah sa cast ng seryeng Written In Our Stars, pero on hold muna ang nasabing soap dahil sa pagbubuntis ni Toni Gonzaga. Nandun naman ang hiling ni Sarah na sana ay matuloy pa rin ito.

“Kung matuloy man ito, I’m very excited.

“It’s a beautiful story.

“Sana matuloy, I’m looking forward, I am excited to work on that show,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN