Janine Gutierrez still reluctant to join beauty pageants: "Parang manggugulo lang ako dun."

Janine Gutierrez explains why she remains half-hearted about joining beauty pageants: "Feeling ko, if kung magpa-pageant ka, tapos hindi naman nandun yung buong puso mo, nakakahiya din sa ibang mga babae na talagang pinaghirapan, na talagang yun yung pangarap nila."


Dream role ni Janine Gutierrez na maging isang murderer o killer onscreen.

Gusto ko parang hitman, parang ganun!

Or something with action scenes.

I think it would be challenging for me kasi most people see me in a mabait na role or parang hindi makabasag-pinggan,” at tumawa ang Kapuso actress.

Dalawang Hollywood movies ang binanggit ni Janine na nais niyang mabigyan sana siya ng pagkakataon na gayahin: ang Gone Girl at Girl, Interrupted.

And siguro po, yung ginawa kong indie with Gino Santos, yung Lila, kasi medyo dark siya, na suspense-horror.

Pero actually, even before that, pangarap ko po talagang makagawa ng mga ganung klaseng pelikula kasi bihira din yun sa teleserye, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine nitong nakaraang Miyerkules, August 3 sa Sentro 1771 restaurant sa Greenbelt 3 sa Makati City.

Isang pocket presscon para sa kanila ni Benjamin Alves ang ginanap para sa pelikula nila na Dagsin na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong Agosto.

Nasa Dagsin din sina Ms. Marita Zobel, Tommy Abuel, Alex Diaz, Sue Prado at ang ina ni Janine na si Lotlot de leon.

Ito ay sa direksyon ni Atom Magadia at produced nila ng misis niyang si Anne Magadia ng Atom & Anne Mediaworks Corporation.

NO PRESSURE. Bilang artista, hindi ba nape-pressure si Janine dahil parehong mahusay at award-winning na mga aktres ang ina at lola niyang Superstar na si Nora Aunor?

Namanhid na po ako diyan,” at tumawa si Janine.

Siyempre nakaka-pressure, pero wala na, e.

Hindi ko naman... I mean, ako naman, palagi ko naman talagang pini-pressure yung sarili ko.

So, regardless kung ano yung achievements ng mga kamag-anak ko, talagang gusto ko naman talaga na pagbutihan ang pag-aartista ko.”

NEW ENDORSEMENT. Si Janine ang latest endorser ng Security Bank, at may mga billboards na siya sa kahabaan ng EDSA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay nagkaroon na rin siya ng billboards para sa Boardwalk at sa iba pang produktong ini-endorso niya.

Kapag nakikita niya ang sarili niya sa mga billboards at magazine covers, ano ang nararamdaman niya?

Humbled.

Kasi pangarap ko yun, e. Pangarap ko talaga yun.

Tsaka mas nakaka-inspire to work harder tsaka to be more professional, to be better.

Parang mas nakaka-inspire talaga kasi pinagkatiwalaan ka ng brand or ng magazine.

So all the more na you want to work, all the more na you want to do better,” diin niya.

Noong wala pa siya sa showbiz, hindi niya na-imagine na darating ang panahon na magkakaroon siya ng mga billboards at magazine covers kaya sa mga nangyayari ngayon sa kanya ay “surreal” daw ang kanyang pakiramdam.

Opo! Tsaka it’s always exciting, it’s always... palagi kang looking forward na lumabas siya, ganun, kasi it’s an honor,” dagdag pa niya.

GOOD VIBES WITH MEGAN YOUNG. Sa TV commercial ng Security Bank ay magkasama sina Janine at Megan Young na nakasama na rin dati ni Janine sa Dangwa kung saan nag-guest si Megan at Mikael Daez.

Sa commercial ay unang beses niyang nakasama si Megan.

Sabi niya, “Actually, magkasama din kami sa Palmolive [shampoo bilang endorser] pero dito [Security Bank], magkasama talaga kami sa TVC.”

Kumusta katrabaho si Megan?

Aniya, “Super saya! Si Megan naman talaga, she’s a very nice person, she’s very charming talaga.

Tsaka like nung nakuha din ako ng Palmolive, siya yung unang nag-welcome sa akin, so it was so nice to be working again with the same person for the same brand.

Si Megan talaga, wala akong masasabing masama about her.

Super bait!”

NOT YET READY FOR SEXY PICTORIALS. Speaking of magazines, papayag ba si Janine kapag kinuha siya ng FHM magazine para sa isang pictorial?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ganung offer na ba sa kanya?

Ani Janine, “Dati, parang.”

Kung muli siyang aalukin?

Parang ayoko pa muna. I don’t think so,” lahad niya.

Hindi naman niya sinasabing hindi siya papayag kailanman.

Well, mahirap magsalita nang tapos,” buwelta ni Janine.

Hindi raw niya isinasara ang pintuan, pero hindi muna sa ngayon.

NO PLANS TO BE A BEAUTY QUEEN. Maging ang pagsali sa isang beauty pageant ay noon pa tinalikuran ni Janine.

Paglinaw niya, “Gusto ko po kasi talagang mag-artista.

So feeling ko, if kung magpa-pageant ka, tapos hindi naman nandun yung buong puso mo, nakakahiya din sa ibang mga babae na talagang pinaghirapan, na talagang yun yung pangarap nila.

Parang manggugulo lang ako dun,” at muling tumawa ang magandang aktres.

And of course it’s really a prestigious thing, yang mga pageant na 'yan, di ba?

Talagang they work so hard for it. So all the girls there, sila talaga yung deserving na nandun sila.”

Bilang artista naman, satisfied na ba siya sa mga nagagawa niya?

Pag-amin niya, “Madami pa akong gustong gawin.

Feeling ko baguhan pa rin ako.

At tsaka madami pa akong gustong makatrabaho.”

Kapag napapanood niya ang sarili niya sa TV o pelikula, sa palagay ba niya ay sapat na ang ginagawa niya?

I always think that I’m not good enough,” at muli ay tumawa si Janine.

Kaya lagi raw niyang pinagbubutihan ang acting niya sa bawat proyekto na ibinibigay sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN