Mikael Daez on real score with rumored GF Megan Young: "Check my social media posts."

Mikael Daez on the nagging question about his unconfirmed relationship status with rumored GF Megan Young: 'Check my YouTube channel to confirm. May makukuha na kayong sagot dun, e. Pag pinanood n'yo yun. Sa Instagram pa lang, pag nakita n'yo, may makukuha na kayong sagot, e."


Hanggang ngayon ay walang deretsahang pag-amin mula kina Mikael Daez at Megan Young kung may relasyon na sila bilang magkasintahan.

Bakit ba hindi sila umaamin?

“Wala lang.

“Hindi ko lang siguro sinasagot yung tanong nang deretsahan, pero pag titingnan n'yo naman yung social media namin, makakagawa kayo ng sariling sagot.

“And I think adventure yun since mahilig naman kami sa adventure.

“So, adventure rin yung pagsagot namin sa tanong na iyon,” ngiti niya.

CRYPTIC ANSWER. Kung deretsahan siyang tatanungin kung sila na ba ni Megan, ano ang sagot ni Mikael?

“Wow! Wow! Check my YouTube channel to confirm,” at tumawa si Mikael.

“Di ba? May makukuha na kayong sagot dun, e. Pag pinanood n'yo yun.

“Sa Instagram pa lang, pag nakita n'yo, may makukuha na kayong sagot, e.”

Anong edad ba nais ni Mikael na mag-asawa?

Pag-amin niya, “Sa totoo lang nga dati twenty five.

“E, twenty-eight na ako. Wala pa.

“Siguro open-ended yung question na yun as of now. Open-ended siya.

“Kasi nag-e-enjoy naman ako and I realized that, obvious naman na I don’t put a lot of weight sa labels.

“So ang importante naman, yung nangyayari—the moments, the memories you make.

“Yun, para sa akin importante yun.”

NOT CONCERNED ABOUT LABELS. Ano ang advantage ng pagkakaroon ng karelasyon na isang Miss World, at ano ang disadvantage?

Tugon niya, “No advantage.

“I mean, parang I don’t think it would be right to call anything an advantage.

“It’s just… depende naman yun sa relationship, e.

“E, kung natutuwa ka and you’re happy with the relationship, the friendship—be it a brother, sister, someone else, a loved one—I think iyon yung pinaka-importante, e.

“So I don’t think it’s an advantage.

“I think it’s more of, you know, being happy na nandun yung tao sa buhay mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw siyang nakikitang disadvantage, na kahit maraming nagkakagusto o tumitingin kay

Megan dahil nga maganda ito at isang beauty queen ay hindi apektado si Mikael.

“It’s normal. Para akin go through life, no worries.

“Di ba? Mag-enjoy lang, iyon ang importante.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa taping ng guesting niya sa Yan Ang Morning ni Marian Rivera sa Korean Cultural Center sa Bonifacio Global City nitong nakaraang Huwebes, August 4.

NO GRUDGE AGAINST GMA MANAGEMENT. Hindi naman daw nagtampo o nasaktan si Mikael na sa halip na siya ay si Dingdong Dantes ang leading man ni Megan sa upcoming drama series ng GMA.

Aniya, “Hindi! Ako pa ba naman?

“Ang tagal ko na dito sa showbiz, naka-five, six years na ako dito.”

Hindi ba pumasok sa isip niya na sila naman sana ang pagsamahin ni Megan sa isang proyekto?

Rason niya, “Well, ako naman kasi, naiintindihan ko naman ang business na ito and it’s not my call.

“Para sa akin, gustuhin ko man o hindi, kahit anong ibigay nila, happy ako.

“So kung binigyan nila ako and Megan, then great, ang saya nun!

“And I think sobrang ganda ng mangyayari dun.

“Pero kung hindi, if they give me another project or they give Megan another project, siyempre happy pa rin ako.

“Kasi that’s work, e.”

THANKFUL FOR OPPORTUNITIES. Wala siyang wishful thinking na sana ay siya ang leading man ni Megan?

Sabi niya, “I think kung pinair-up kami, I think it will work. At least, confident ako na magwu-work siya.

“Pero kung hindi, then there’s no love lost!

“I mean GMA has been so good to me.

“Ang dami nilang binibigay sa aking opportunities.

“I was just with Ate Reg [Regine Velasquez sa Poor Seorita], Asia’s Songbird!

“And it worked out so well, against all odds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, against all odds?

“Nagulat yung tao na may chemistry pala kami ni Ate Reg, so talagang pinaghirapan rin namin yun.

“So ako I’m just so happy with things like that.

“So kahit anong project ang ibigay nila. I know may parang…

“May screening test ako a few days ago.

“Ibang project, hindi soap. Hosting. So we’ll see, di ba?

“They always invite me to auditions, screen tests, and sa akin, nag-e-enjoy rin ako sa proseso na yun, so go lang nang go!”

NO SOAP PROJECTS YET. Wala pang bagong soap opera na inu-offer sa kanya?

Lahad niya, “Wala pa, kakatapos lang kasi [ng Poor Seorita].

“Hindi ko rin ine-expect.

“Magugulat ako kung binuksan nila agad yung discussions for a soap. Kakatapos lang, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN