Marian Rivera reveals plans for upcoming birthday

Marian Rivera reveals her plans for her forthcoming birthday on August 12: "Aalis kami together with the whole family, family niya and family ko, complete kaming lahat. Magbi-beach kami."


Ayon kay Marian Rivera, marami siyang naging kaibigan dahil sa paghu-host niya sa Kapuso morning show na Yan Ang Morning.

Isa na rito ay si Jennylyn Mercado na naging guest ni Marian sa show kamakailan, at kunsaan ang naturang episode ay ipapalabas bukas, August 8.

Sabi ni Marian, “Oo, actually parang... sabi ko nga, wala naman ako masamang bigas sa lahat ng nagge-guest sa akin.

“At kahit tanungin n'yo naman sila. isa lang ang sinasabi nila – sobrang nag-e-enjoy sila sa Yan Ang Morning!

“At iyon ang mahalaga, parang nakikilala ko nga.

“Sabi ko nga kay Jen na first time naming magkasama na literal although magkasama kami sa Super Twins, pero ang tagal na panahon na!

“At never na kaming nagkita ever.

“So, nakakatuwa na okay yung bonding namin dun sa episode na ginawa namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa taping ng Yan Ang Morning sa Korean Cultural Center sa Bonifacio Global City nitong nakaraang Huwebes, August 4.

Parang maganda rin kung magsasama sila ni Jennylyn sa isang drama series o pelikula.

“Why not?” bulalas ni Marian.

“Wala namang masamang ano sa akin.”

BIRTHDAY WISH. Samantala, sa kaarawan ni Marian sa August 12 ay magse-celebrate siya kasama ang buong pamilya nila ng mister niyang si Dingdong Dantes.

Kuwento niya, “Aalis kami together with the whole family, family niya and family ko, complete kaming lahat.

“Magbi-beach kami.”

Ano ang birthday wish ni Marian?

“Birthday wish ko, sabi ko nga, sana pagtibayin ni Lord yung pagsasama pa naming lalo, kasi especially may anak kami.

"Tsaka naniniwala kasi ako na kapag okay kaming dalawa, love namin ang isa’t isa, alam mo yun, matibay ang pundasyon namin, nakikita ng anak namin yun, e.

“So iyon ang magiging basehan niya kung paano siya namin palalakihin.

“So gusto naming maging role model kaming dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong nga raw siya ni Dingdong kung ano ang gusto ni Marian sa birthday niya.

“Sabi ko, ‘Gusto ko simple lang, basta sa puntong ito sa buhay ko ngayon sobrang kuntento na ako na nandiyan kayo ni Zia sa akin.’”

HANDS-ON MOMMY. Nagbi-breastfeed pa rin si Marian hanggang ngayon kay Zia.

Pagmamalaki niya, “Oo, hanggang one year old yung target ko.

“Magna-nine months akong puro ha, walang halo.”

Kumusta na si Zia ngayon?

“Happy baby talaga siya. Obvious naman, yung nanay,” at tumawa si Marian.

Tumatayo na raw si Zia.

“Natindig na siya, for a baby na eight months,” at may pagmamalaking ipinakita sa amin ni Marian ang litrato ni Zia na nakatayo sa crib nito.

BABY ZIA'S LATEST TRICK. Tinuruan raw niya na mag-”rat face” si Zia.

Masayang kuwento niya, “Di ba si Dong takot siya sa daga?

“E, one time, umalis si Dong, nag-London siya.

“So tinuruan ko ang anak ko, sabi ko, ‘Ay, may pauso kami ni Zia!’

‘Sabi ko, ‘Anak, show me your rat face!’

“Alam mo nagawa niya!

“So ngayon… iba siyang bata, kung ang mga bata, ‘Beautiful eyes, beautiful eyes,' iba ang anak ko, ‘Show me your rat face!’

“Nagra-rat face ang anak ko!

“Si Dong tawa nang tawa!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN