Louise delos Reyes recalls fan girl moment with Selena Gomez

IMAGE Instagram

Louise delos Reyes admitted getting starstruck and tongue-tied when she finally met Selena Gomez in person: "Totoo rin po pala talaga yung salitang starstruck! Na hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo tapos parang gusto mong magsalita ng something pero nahihiya ka."


Sobrang saya po!” bulalas ni Louise delos Reyes tungkol sa Selena Gomez experience niya.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon si Louise na makaharap, makapagpalitrato at makausap ang sikat na Hollywood actress/singer noong nagdaos ito ng concert dito sa Pilipinas nitong nakaraang July 31.

Paano ba ito nangyari?

Kuwento niya, “Actually, isinama ako ng Pantene sa Team Pantene nila ng online influencers and bloggers.

“So yung raffle among the bloggers and online influencers kasi, they just want to be equal na hindi ako yung pipiliin niya kasi artista ako or mas kilala among the others.

“So iyon po yung napanalunan ko.”

Idolo raw ni Louise si Selena.

Pagmamalaki niya, “As in, ang mga kantang pang-mall show ko Selena Gomez, e.”

Hindi daw niya maiwasang maging starstruck noong kaharap na niya mismo si Selena.

Pag-amin niya, “Totoo rin po pala talaga yung salitang starstruck!

Na hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo tapos parang gusto mong magsalita ng something pero nahihiya ka.”

“Hi” at “thank you” lang raw ang nasabi niya kay Selena.

Mas mahaba pa raw ang sinabi sa kanya ni Selena.

Sabi niya, ‘Hi! Your outfit’s so cute! Give me a hug!’”

DEALING WITH BASHERS. Nang i-post raw niya sa Instagram account niya ang litrato nilang dalawa ni Selena ay nadagdagan si Louise ng five thousand followers.

Selena: "Hi! Oh my gosh, your outfit's so cute! Let me give you a hug." Me: "Hiii!!! Thank you!" *photo op* Selena: "And she smells so good too!" *winks at me* Me: *dying* --- STILL NOT OVER THIS!!! It feels sooo surreal meeting @selenagomez before her #RevivalTourPH concert yesterday ???? I was really ecstatic when Pantene told me that I'm the lucky online influencer from #TeamPantene who got picked from the raffle draw to meet Selena. I really couldn't believe it! THANK YOU SO MUCH Pantene for this wonderful experience. Kung alam niyo lang, kinakanta ko talaga ang Love You Like A Love Song every mallshow! OMG! I LOVE YOU SELENA! I'll see you again soon ?? #Selenator #PantenexSelena #RevivalTourPH // We are not allowed to bring our bags, cellphones and camera inside the meet and greet room. Official photo is from @wilbroslive //

A photo posted by LDR (@louise.dr) on

Aniya, “Tapos yung Likes, iyon yung most liked picture ko na forty-four thousand yata.”

At bilang paboritong target-in ng mga bashers, may nam-bash raw sa naturang IG post ni Louise.

Lahad niya, “Meron po, ang sabi niya, ‘Grabe sobrang edit naman ng picture na 'yan para lang pumantay ka sa beauty ni Selena!’

Tapos, parang sinabi rin niya na, ‘Si Liza Soberano nga walang ganyang kahabang caption.’

Sabi ko, sa isip ko parang, ‘Anong paki nyo, e fangirl ako, e. Every fangirl would do that.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang ise-share niya with other fangirls kung ano ang nangyari, yung experience niya.

It’s not about your posting about it. You’re just happy that you shared it with them.”

Hindi raw niya sinagot ang naturang basher.

Block and delete.

Hindi na sila kapatul-patol,” natatawa niyang saad.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa dining hall ng Studio 7 ng GMA Network Center (Huwebes, August 4) para sa pocket interview nilang dalawa ni Juancho Trivino para sa GMA fantaserye na Magkaibang Mundo.

ON ENZO PINEDA'S DECISION TO LEAVE GMAAC. Hiningan naman namin ng reaksyon si Louise tungkol sa pag-alis ni Enzo Pineda sa GMA Artist Center.

Dating may relasyon sina Louise at Enzo.

Pahayag niya, “Actually, kakasabi lang po sa akin kanina.

Well, whatever naman na nangyari kung bakit wala na siya, I think alam naman niya siguro ang ginagawa niya.

And he wants kasi to be, parang magkaroon ng pangalan for himself.

Kasi parang palagi siyang associated kay Pacquiao.”

Business manager ni Manny Pacquiao ang ama ni Enzo na si Eric Pineda.

And he wants na, parang ayaw niyang magmukhang entitled siya.

So he’s really working hard for his name,” dagdag pa ni Louise.

STILL A LOYAL KAPUSO. Nasa pangangalaga na ni Arnold Vegafria ngayon si Enzo.

Wala raw silang komunikasyon ni Enzo ngayon.

Si Louise, gaano siya ka-loyal sa GMA?

Sabi niya, “Sila kasi yung nagbigay sa akin nito.

What I have now, I owe it to them.

And parang hindi ko rin po kasi talaga masabi kung bakit parang may lumilipat or may hindi satisfied, kasi parang everyone is doing their work.

And I think kung meron mang kunyari misunderstanding or hindi ka na happy, I think ano naman, you owe it to yourself if hindi ka na masaya.

Hindi ko po alam, basta kanya-kanyang growth po iyan, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga panahong wala siyang show ay hindi pumasok sa isip ni Louise na umalis sa GMA.

Hindi naman po, kasi dun ko na-discover na I can do something else away from showbiz...

Like I can blog, I can write, I can take pictures.

So parang nagkaroon ako ng ibang mundo,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN