Sen. Kiko Pangilinan says no to burial of ex-President Ferdinand Marcos at Libingan ng mga Bayani

IMAGE Kiko Pangilinan Facebook / Web

Senator Kiko Pangilinan on hero's burial for the late President Ferdinand Marcos Sr.: "Burying a murderer and a thief in the Libingan ng mga Bayani is not moving on... It is teaching our children to honor murderers and plunderers..."


Inalmahan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang napipintong paglipat sa mga labi ng yumaong presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kaugnay ito ng utos ni Presidente Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangakong ipalibing sa Libingan ng mga Bayani ang ama ni dating Senator Bongbong Marcos.

Iginiit ni Sen. Pangilinan na hindi maaaring isantabi ang mga kasalanan ng yumaong presidente, na nanungkulan bilang diktador sa ilalim ng martial law, hanggang sa mapatalsik ito sa puwesto nang maganap ang makasaysayang EDSA People Power Revolution ng 1986.

Pahayag ni Sen. Pangilinan sa kanyang Facebook post noong Linggo, August 7:

“Burying a murderer and a thief in the Libingan ng mga Bayani is not moving on...

“It is teaching our children to honor murderers and plunderers...

“It is not going to heal the nation nor will it unite us...

“It will only deeply divide us, reopen deep wounds of those who suffered, causing them to relive the gnawing pain and memory of loved ones jailed, tortured, murdered, salvaged or who disappeared because of the tyranny and oppression of the dictatorship.

“How can one forgive when there is neither remorse nor atonement on the part of the Marcos family?”

PRESIDENT DUTERTE’S POSITION. Sa kabilang banda, inihayag ni Presidente Duterte na “qualified” ang yumaong Presidente Marcos na mailibing sa Libingan Ng Mga Bayani.

Sabi niya sa isang panayam, Linggo, August 7: “He is qualified to be buried there.

“Kung ayaw ng ibang Pilipino, fine. Mag-demonstrate kayo, go ahead. You can use the streets.”

Dagdag ni Presidente Duterte, payag siyang isagawa ang interment para sa yumaong presidente sa araw ng kapanganakan ng huli sa September 11.

Nag-isyu na rin si Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana ng memorandum kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Ricardo Visaya hinggil sa implementasyon ng paglipat sa mga labi ni Marcos mula sa Ilocos Norte sa Libingan ng mga Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NHCP: NO TO HERO'S BURIAL. Samantala, inalmahan din ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang paglibing kay yumaong President Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil sa pagiging sundalo nito.

Ito ay sa kadahilanang marami umanong hindi totoo sa mga pahayag ni Marcos Sr. tungkol sa pagiging sundalo nito noon.

Isinumite ng NHCP ang kanilang position paper na may titulong “Why Ferdinand E. Marcos Should Not Be Buried at the Libingan ng mga Bayani” noong Hulyo 12.

Sabi ni NHCP chairperson Maria Serena Diokno sa ulat ng Unang Balita ngayong Lunes, August 8: “Doon po makikita na ang mga sinasabing medalya na natanggap—Distinguished Service Cross, Order of the Purple Heart, Silver Star—ay hindi pala niya [Marcos] natanggap.”

Hindi rin daw kinikilala ng U.S. guerilla unit, ang Ang Maharlika, na itinatag at pinamunuan diumano ni Marcos Sr. noong panahong sinakop ng Japan ang Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN