Thai actor Mario Maurer advised to 'keep a friendly distance' from Kakai Bautista

IMAGE Joedi Belen / Noel Orsal

Publicist Joyce Ramirez on Kakai Bautista (right photo): "The damage she has caused Mario Maurer (left) using local media is no joking matter to the Thais. They can only hope that she does not repeat the same pattern to other unsuspecting co-actors."


Nais linawin ng publicist na si Joyce Ramirez ang isyu tungkol sa diumano'y hindi pagpapahintulot sa comedienne na si Kakai Bautista na lumapit sa Thai actor na si Mario Maurer.

Sa artikulong inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 7, binanggit ni Kakai ang pangalang “Joyce” sa FB post ni Ian Reyno ng larawan ni Mario, na bumisita sa bansa para i-promote ang turismo sa Thailand.

Sabi ni Kakai: “Baket? Hahaha paano haharot, e baka nasa pinto pa lang ako ng Dusit Thani, itaboy na nila ako
Hahaha MJ Felipe, nako ayaw ni Joyce! Ahahaha!”


Tila nakarating ito kay Joyce, lead publicist ng Publicity Asia Worldwide, na siyang namahala endorsement ni Mario Maurer ng isang local clothing brand.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Joyce ng screenshot ng naging komento ni Kakai:


Ang post na ito ay hindi na makikita sa timeline ng Facebook account ni Joyce, ngunit nag-post si Kakai ng screenshot nito.

Ito ang dahilan kung bakit nag-status ng ganito ang comedienne: “Hindi ko po alam kung ano po bang nagawa ko sa kanila bakit ganun na lang ang galit nila sa akin.

“Pero sige lang kung ito lang po ang makakapagpasaya sa kanila, ibibigay ko na po. God Bless you all.”

REASON OF BAN. Sa pamamagitan ng Facebook message, nilinaw ni Joyce sa PEP ang dahilan ng sinasabing hindi pagpapahintulot kay Kakai na makalapit kay Mario.

Nagsimula raw ito nang magkaroon ng usap-usapan na nagli-link kina Kakai Mario noong 2012.

Nagkatrabaho sina Kakai at Mario sa pelikulang Suddenly It's Magic, kung saan leading lady ng Thai actor si Erich Gonzales.

Read: Comedienne Kakai Bautista clarifies 'romantic photos' with Mario Maurer; hurt by comments that she is using the Thai heartthrob to be popular

Pahayag ni Joyce, “Based from my last meeting with the Thai agents of Mario Maurer in Bangkok, they have advised Mario since 2013 to keep a friendly distance to avoid rumors of a romantic affair with the comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those gossips created are false and we are well aware of the source of such malicious story.

“That person has since been banned and as I understand security has been tightened around the actor for all official trips to the country.

“The Thai reps has also kept records of news clips tracked in the Philippines and have consulted with their local partners on how to best manage the negative impact (of the false rumor) on the reputation of the actor.”

Dagdag pa niya, “Since the story broke in 2013, Mario has kept quiet and respectful as this is the Thai way thus allowing the malicious and the desperate to propagate a false story.

“I remain consistent that such lies should never have been promoted in the first place.”

Nagbigay rin ng pahayag si Joyce sa naging komento ni Kakai kung saan binanggit niya ang pangalang “Joyce.”

Sabi ng publicist, “It is no laughing matter for the comedian to namedrop me in her social thread with media and make it appear I am the antihero to their fictional love story.

“The story she has created only in her mind is false, malicious and delusional.

“The damage she has caused Mario Maurer using local media is no joking matter to the Thais.

“They can only hope that she does not repeat the same pattern to other unsuspecting co-actors.”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ni Kakai Bautista kaugnay ng mga pahayag na ito ni Joyce Ramirez.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN