James Yap's girlfriend Michela Cazzola gives birth to baby boy

IMAGE Nice Print Photo (via @jamesyap18 Instagram)

James Yap's Italian girlfriend Michela Cazzola gives birth to their first child this Monday night, August 8.


Isinilang na ng Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola ang una nilang anak na si Baby Michael James.

Bandang 6:55 P.M. ngayong Lunes, Agosto 8, nang ipanganak ni Michela ang sanggol sa St Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Base ito sa ulat ni Ginger Conejero na nailathala sa ABS-CBN News Online ngayong gabi.

Kamakailan lang ay buong-pagmamalaking ibinahagi ni James ang larawan nila ni Michela sa Instagram.

Dito ay makikita ang pagiging sexy preggy ni Michela na nakasuot pa ng black bandeau top at matching long skirt.

Ito na ang ang pangatlong anak ng star cager na si James.

Ang una ay sa dati niyang non-showbiz girlfriend, at ang pangalawa ay si James 'Bimby' Aquino Yap na anak niya sa dating asawa na si Kris Aquino.

Malapit na ???? ????: @niceprintphoto

A photo posted by James Yap (@jamesyap18) on

Basketball tayo #BabyMichaelJames ???????????????? ???? @niceprintphoto

A photo posted by James Yap (@jamesyap18) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN