Barbie Forteza says her parents approve of Kiko Estrada

IMAGE Barbie Forteza Instagram / Noel Orsal

It all seems Barbie Forteza and Kiko Estrada are so into each other. She speaks: "He really makes an effort na magkita kami. Nakaka-inspire siya… Masaya ako with Kiko and I know na masaya rin siya with me."


Hindi makapagbigay ng diretsong sagot ang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza tungkol sa kanila ng nababalitang boyfriend niyang si Kiko Estrada.

Ipinagdidiinan ni Barbie na 'dating' pa lang ang estado nila ni Kiko, pero ayon sa mga nakakaalam, may ilang buwan na diumano ang relasyon ng dalawa.

Nagsimula ang usap-usapan sa pagiging close nina Barbie at Kiko nang magkasama sila sa GMA-7 primetime series na That’s My Amboy na natapos noong April.

Ano ang pakiramdam na nandiyan ang tulad ni Kiko sa buhay niya?

Sagot ni Barbie, “Nakakataas siya ng energy kahit paano… yung kapag nasa work ka, alam mong may nagpapaganda ng araw mo.

“Nakakadagdag siya ng energy sa ginagawa mo, lalong tumataas ang level ng performance mo.

“Tsaka yung nakaka-inspire siya, kung kilala lang nila si Kiko, napakabait niyang tao, lalo na sa parents niya.

“Kaya naman ang parents ko, gustung-gusto si Kiko, kasi nga napakabuti nitong anak sa parents niya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa pocket presscon niya noong Sabado, August 6.

HER PARENTS APPROVE. Noong 19th birthday ni Barbie last July 31 ay nag-celebrate siya sa pamamagitan ng panonood ng concert ng international singer na si Selena Gomez.

Pero hindi doon nagtapos ang celebration niya dahil pagkatapos ng concert ay nagkita sila ni Kiko para sa isang quiet birthday dinner.

Kuwento ng Sunday PinaSaya star, “Simple lang naman yun, kasi may ibang lakad siya that day.

“Tapos nag-text siya na magkita na lang kami somewhere after ng concert ni Selena Gomez.

“Yun naman ang nakakatuwa kay Kiko, he really makes an effort na magkita kami.

“Kahit na manggaling pa siya sa kanila, sa bandang south, he will make that extra effort na puntahan ako kung nasaan man ako.

“Kahit na pagod at puyat pa siya that day, gusto lang daw niyang maging masaya ako sa birthday ko.”

Isang pair of running shoes daw ang regalo ni Kiko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto raw niya akong maging physically fit tulad niya.

“Parang sinasabi niya na mataba ako!” tawa ni Barbie.

Bilib naman si Barbie sa pagiging physically fit ni Kiko ngayon.

“Ang laki na ng improvement ng katawan ni Kiko, pumayat na yung mukha niya na dati mabilog ang cheeks niya.

“Gusto rin yata niyang mawala ang matambok kong pisngi!

“Gusto siguro ni Kiko na minsan sabay kaming tumakbo! How I wish na magawa ko, di ba?” tawa pa ulit ni Barbie.

Tungkol naman sa samahan nila ni Kiko ngayon, ayon kay Barbie: “We’re happy.”

Dagdag niya, “Masaya ako with Kiko and I know na masaya din siya with me.

“Marami kasing qualities si Kiko na kailan ko lang na-discover, at nakakatuwa na may mga bagay na pareho kami ng gusto.

“To put it simply nga, happy kaming dalawa.”

DEALING WITH HIS EX. Tinanong din si Barbie kung nagkita o nagkausap na ba sila ni Kim Rodriguez, na dating naugnay kay Kiko.

Ibinahagi ni Barbie na nag-guest dati si Kim sa Sunday PinaSaya, pero hindi raw sila masyadong nagkausap dahil magkaiba ang dressing room nila sa studio.

Noong magkasalubong sila ay nagbatian naman daw sila.

Ayon pa kay Barbie, “Okey naman kami ni Kim.

“Nagkasama na kami noon pa sa Tween Hearts, pero aminado akong hindi kami ganun ka-close talaga.

“Hindi tulad nila Bea [Binene], Louise [delos Reyes], at Joyce [Ching] na iba ang closeness namin.

“Kapag nagkikita naman kami ni Kim, nagbabatian kami.”

Natanong na ba ni Barbie si Kiko kung ano ang naging dahilan kung bakit sila nag-break ni Kim?

“Ay, hindi po, never ko naman tinatanong ang mga ganyan, parang ang chismosa ko naman.

“Kung may gustong sabihin si Kiko, okey lang at makikinig ako.

“Basta siya ang magsimula, ayoko na ako ang mag-start ng ganyang conversation.

“Hindi rin naman tama na pag-usapan namin yun kasi something personal na yun, di ba?” saad ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN