Regine Velasquez on dealing with bashers: "Dini-delete ko na lang sila tsaka bina-block ko."

IMAGE Reielle Deslate

"Words are very powerful. It can encourage people and it can also ruin someone's life," said Regine Velasquez, who encourages netizens to be responsible in using social media.


Aminado si Regine Velasquez na hindi maiwasang makatanggap ng negatibong komento sa social media ang tulad niyang showbiz personality.

Ngunit sinisikap daw ng Asia’s Songbird na huwag magpaapekto sa bashers.

Pahayag ni Regine, “Right now, hindi na ako nagpapapatol sa mga bashers. Dini-delete ko na lang sila tsaka bina-block ko.

“Minsan I answer [netizens’ comments] not to make them away, but just to let them know na hindi dapat ganyan. You should encourage more rather than bash people.”

Umaasa si Regine na maging mas responsable ang kabataan sa paggamit ng social media, lalo na sa mga sensitibong isyu na posibleng malaki ang maging epekto sa ibang tao.

Aniya, “Words are very powerful. It can encourage people and it can also ruin someone’s life.

“Why would you wanna do that? Why would you want that in your conscience na meron kang nasaktan or merong nasira ang buhay?

“Kahit pa words lang yun, it can affect people.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa kanyang guest appearance sa PEPtalk ngayong August 2016.

Dito ay nagbahagi ang Asia’s Songbird ng tips mula sa kanyang cookbook na Bongga Sa Kusina, mga natutunan niya sa 30 taon niya sa showbiz, at mga karanasan niya sa pagbuo ng matatag na buhay-pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN