Enrique Gil's Instagram account hacked

IMAGE Arniel C. Serato

Na-hack ang Instagram account ni Enrique Gil, kaya naman nanawagan ang kanyang ka-love-team na si Liza Soberano at tinawag na "cruel" ang hacker.


Na-hack ngayong araw, August 9, ang Instagram account ng Kapamilya actor na si Enrique Gil, ang @enriquegil17.


Mayroong 2.1 million followers ang IG account ni Enrique.

Ang huling post niya rito ay ang larawan ng ka-love team na si Liza Soberano na may caption na: “Missing you.”


Dahil dito, nanawagan ang fans nina Enrique at Liza, na mas kilala sa tawag na LizQuen, na ibalik ng hacker ang Instagram account ng una.

Trending sa Twitter hanggang ngayon ang hashtag na #BRINGBACK ENRIQUEGIL17 IG.


Samantala, tinawag naman ni Liza na ‘cruel’ ang nang-hack ng account ni Enrique.

Sabi ng Dolce Amore star, “Whoever hacked Quen's IG account is so cruel. What for?”

Wala pang panawagan sa social media si Enrique.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN