Mikael Daez reacts to Megan Young and Andrea Torres working together for the first time

IMAGE Noel Orsal

Mikael Daez still refuses to put a label into his relationship with Megan Young: "What you see is what you get pa rin. Pero kapag tinatanong niyo naman, sumasagot ako. Kapag humihingi kayo ng picture, may picture naman."


Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang primetime series ang dalawang babaeng nauugnay kay Mikael Daez — sina Megan Young at Andrea Torres.

Si Megan ang travel companion at rumored girlfriend ni Mikael, habang si Andrea naman ang perennial leading lady ng Kapuso actor.

Sina Megan at Andrea ang magiging leading ladies ng Kapuso Primetime King na sa Dingdong Dantes sa susunod na teleserye nito sa GMA Network, ang Alyas Robin Hood.

Ano ang masasabi ni Mikael na magkakatrabaho ang ‘real’ at ‘reel’ partners niya?

Sagot ng Kapuso hunk, “Okey naman, masaya ako para sa kanila.

“Si Direk Dominic Zapata pa ang director nila.

“Action yata ang show nila, mag-e-enjoy sila. Mahihirapan sila.”

Hindi ba siya natawa na magkakasama ang dalawa?

Sabi ni Mikael, “Natuwa ako.

“Sabi ko, ‘O, Andrea, hindi na ako ang palaging kaano mo, yung partner naman.’

“Yun lang, nakakatuwa lang ang sitwasyon.

“Siyempre, si Andrea, partner ko for the longest time.

“Pero happy ako na nag-primetime na siya, sa wakas, galing Millionaire’s Wife.”

Naipakilala na ba niya sina Megan at Andrea sa isa’t isa?

Ayon kay Mikael, “Oo, magkakilala na sila. Ako ang nag-introduce sa kanilang dalawa, matagal na.

“And we would see each other, especially kapag may mga Bubble Gang events, mga outings kami, nagkikita naman sila, cool sila.”

Wala namang naging selosan?

“Wala, yung mga yun pa! Walang pakialam yung mga babaeng yun, independent women ang mga yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa taping ng Yan Ang Morning noong nakaraang linggo.

NO LABEL. Kumpara noon, tila mas open na sina Mikael at Megan kung anumang namamagitan sa kanila ngayon.

Hindi rin naman ito maikakaila sa travel photos na ipinu-post nila sa kani-kanilang social media accounts.

Pahayag ni Mikael, “Well, alam niyo kasi, alam niyo naman, sobrang relax lang ako sa mga ganyang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, parang feeling ko lang, wala lang, I’m not putting any label on anything naman.

“What you see is what you get pa rin.

“Pero kapag tinatanong niyo naman, sumasagot ako.

“Kapag humihingi kayo ng picture, may picture naman.”

Paano nila napapanatiling matatag ang relasyon nila?

“Pagbibiyahe!” natawang sagot ng aktor. “Seryoso nga.”

Samantala, wala pang bagong teleserye si Mikael pagkatapos ng Poor Senorita.

“Chillax lang ako ngayon… Ngayon siguro, biyahe lang. Biyahe lang muna,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN