Yassi Pressman does not want to be branded as sexy actress

IMAGE Noel Orsal

Yassi Pressman on her management's plan to build her up as a sexy actress: "Okey lang naman sa akin, pero hindi ko naman siya pinaplano. Kumbaga, kapag nababansagan lang dahil sa mga ginagawa ko, sa dances ko, okey lang sa akin."


Malakas ang impact ng sexy picture ni Yassi Pressman na kuha sa set ng Camp Sawi dahil nakatanggap ng mga positive feedback ang Viva Films at ang Viva Artists Agency (VAA), ang mother studio at talent management agency, respectively, na namamahala sa career ng singer/dancer/actress.

Dahil sa mga favorable feedback, may balitang plano ng Viva Films na paghiwalayin ang love team nina Andre Paras at Yassi para i-buildup ang huli bilang sexy actress.

Mula nang lumabas si Yassi sa Pinoy Big Brother House, hindi pa siya nakakabisita sa opisina ng VAA kaya hindi pa niya alam ang mga plano ng kanyang mother studio.

Ang balak na i-build up siyang sexy actress ng Viva Films at ng VAA ang isyu na itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yassi sa grand presscon ng Camp Sawi kagabi, August 9.

Saad niya, “Hindi naman ako purposely nagpapaseksi kasi hindi naman ako, like for example, nagpo-pose sa sexy magazines.

“Or even yung Cosmopolitan cover, parang very fun pa rin, and I like that because it’s just me in a swimsuit more than me posing.

“Okey lang naman sa akin [ang mga balak ng Viva Films at VAA], pero hindi ko naman siya pinaplano.

“Kumbaga, kapag nababansagan lang dahil sa mga ginagawa ko, sa dances ko, okey lang sa akin.”

Nang tanungin tungkol sa posibleng pagbuwag sa YaNdre loveteam nila ni Andre, ipinauubaya raw ni Yassi ang desisyon sa mother studio niya.

Sabi niya, “Okey lang naman sa akin kung ganoon nga kasi wala naman talaga akong plano.

“Kapag nangyari siya, e, di okey lang.

“Basta ang pinaka ayoko, makilala na sexy actress. Gusto kong makilala na aktres.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN