Andi Eigenmann: No more reconciliation with Jake Ejercito

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann on ex-boyfriend Jake Ejercito: "Natuto na akong tanggapin na baka kahit siya na ang greatest love ko, hindi ibig sabihin na he's the one I'm meant to be, to spend the rest of my life with."


“Wala na” raw pag-asang magkabalikan si Andi Eigenmann at ang ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.

Ito ang sinabi ni Andi nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Camp Sawi, na ginanap sa Le Reve, Sgt. Esguerra, Quezon City, nitong Martes, August 9.

Ayon pa sa aktres, naka-move on na siya sa natapos nilang relasyon nila ni Jake.

Saad ni Andi, “Mga two years na kaming hiwalay, officially.

“Pero yung hindi officially, hindi ko na nga maalala.

“Kasi, di ba, hiwalay na kami, tapos makikita niyo kami again together, even if we’re just friends, you know, at the back of our mind, what we want is umaasa pa kaming dalawa sa isa’t isa.”

Wala na rin talaga yung ‘asa’?

Tugon niya, “Sa ngayon… well, hindi naman sa ngayon, pero yung ngayon, as in ngayon, tonight, wala.

“Kaya nga ako naging okey, well, natuto na akong tanggapin na baka kahit siya na ang greatest love ko, hindi ibig sabihin na he’s the one I’m meant to be, to spend the rest of my life with.

“Kasi nahirapan, napapagod na rin ako.”

ANDI’S NEW BOYFRIEND. Maliban pa rito, masaya ngayon si Andi sa piling ng kanyang bagong boyfriend, na ayaw muna niyang pangalanan.

“Masaya ako, sobra.

“Kasi, he noticed me and wanted to be with me for the person that I wanted to become. For the person I am to be.

“Hindi niya… well, tinanggap niya nang buong-buo.

“Wala akong work nun, e. Wala akong ginagawa.

“Ni hindi niya alam na artista ako, pero sinubukan niya akong makilala.

“I like that, I can really be myself and be the person that I really am, and that's what he likes.

Dahil sa sinabi ni Andi, tinanong namin kung may effort ba noon kay Jake na baguhin kung sino siya noong sila pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ng aktres, “Well, hindi naman niya kasalanan yun.

“Pero alam ko, aware siya that I wasn’t able to fully become who I wanted to become because of him.

“As in, hindi niya kasalanan.

“Siguro ako rin, in love ako, e. Feeling ko bagay kami, parang ganun.

“Hindi naman sa sinasabi kong yung pagkatao ko talaga ay hindi bagay sa kanya, pero parang mas prinioritize ko yung part of me that go well with him, hindi yung talagang dapat kong ginawa, which was prioritizing my own happiness.”

JAKE OVER BRET. Pero si Jake pa rin ba ang gusto ng pamilya niya para sa kanya?

Pahayag ni Andi, “I don’t know because wala namang ganun.

“Hindi naman ‘to yung katulad kay Bret [Jackson] na talagang ayaw nila.

“Mabait siyang tao at mabuti, you know, alam mo yun?

“Basta, hindi ko ma-explain in a proper way, si Bret lang yung ayaw nila.

“Ngayon, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung ano ang opinyon nila.

“Kung Jake pa rin ba or ngayon, ang alam ko, okey.”

Nakakasama naman daw ng pamilya ni Andi ang bagong boyfriend niya.

Diin pa ni Andi, “Basta si Bret lang ang hindi nila gusto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN