Bianca Gonzalez criticizes netizen for tweet about martial law

IMAGE Instagram (@iamsuperbianca)

Bianca Gonzalez on martial-law issue: "To forgive is divine. Pero pano kung di naman humingi ng tawad o ng forgiveness?"


Nakipagsagutan sa isang netizen si Bianca Gonzalez matapos punahin ng nasabing netizen ang ABS-CBN TV host nang i-share nito ang isang video ng mga biktima tungkol sa kanilang malagim na karanasan noong panahon ng martial law.

Ang martial law ay nangyari sa Pilipinas sa panahon ni dating President Ferdinand Marcos, mula 1972 hanggang 1981.

Sa ilalim ng martial law, nananaig ang military government at suspendido ang mga karaniwang batas.

Ang nasabing video na may pamagat na "Millennials for Martial Law" ay kumalat noong panahon ng campaign season para sa May 2016 elections.

Sa nasabing video, nakikipag-usap ang martial law victims sa mga kabataan at ikinuwento ang kanilang dinanas na hirap noong panahon ng diktadurya ni Marcos.

Nagsimula ang diskurso sa pagitan ni Bianca at isang netizen nang sang-ayunan ng TV host ang tweet ng isang follower niya (@philbertdy) na nangyayari pa rin ang banta ng martial law at hindi pa dapat mag-move on mula rito.

Isa pang netizen (@boynxtdoor4u) ang nag-tweet at nagtanong kung ano ang masama kung may martial law.

Sinagot ito ni Bianca ng “Please don’t ask such things,” kalakip ang link ng YouTube video:

Isang netizen (@kamkamote) ang pumuna kay Bianca at sinabing nakalipas na ang video at mag-move on na dapat siya.

Sumagot dito ang Pinoy Big Brother host at sinabing sana ay walang lolo at lola ang netizen na naging biktima ng martial law.

Sinabi rin niyang hindi ito tungkol sa eleksyon, kundi para hindi na maulit ang diktadurya.

Sumunod pang tweet ni Bianca sa netizen, kung kaya ba niyang sabihin sa isang dumanas ng hirap noong martial law na kalimutan na lang ito at mag-move on na.

Isa pang makahulugang tweet ang isinunod ni Bianca tungkol sa pagpapatawad sa hindi naman humingi ng tawad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN