Arci Muñoz feels blessed to be one of the most sought-after actresses today

IMAGE Noel Orsal

What does Arci Muñoz feel about being one of the most sought-after actresses right now? She answers: "Hindi ako makapaniwala kasi ang tagal-tagal kong hinintay dumating 'yong time ng tamang opportunity."


Lubos daw ang pasasalamat ni Arci Munoz sa mga biyayang natatanggap niya ngayon.

“Hindi ako makapaniwala” ang madalas daw niyang reaksiyon kapag sinasabing isa siya isa sa mga in-demand na female celebrity ngayon.

Saad ni Arci, “Unang-una, hindi ako makapaniwala kasi ang tagal-tagal kong hinintay dumating yung time ng tamang opportunity.

Pero para sa akin kasi, I've always been happy with what I had, what I'm having right now.

“Kasi masaya ako, kuntento ako kung ano ang meron ako.

Itong blessings na dumarating sa akin ngayon, na sobrang napakarami, I feel sobrang blessed, happy.

I can't thank God enough for all the blessings. Lahat talaga lang, timing lang.'

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Arci sa press conference ng pelikulang kinabibilangan niya, ang Camp Sawi, na ipalalabas sa August 24.

Bukod sa Camp Sawi, magiging bahagi rin si Arci ng upcoming movie ng Star Cinema na Extra Service.

Habang ginagawa ang pelikula sa Viva, sabay niya ring ginagawa ang teleserye kasama si Jericho Rosales, ang What I Did For Love.

Sa sunud-sunod na pagdating ng mga proyekto, wala na raw mahihiling pa ang Pasion de Amor actress.

Ayon kay Arci, “Wala naman na talaga akong mahihiling, e, kuntento na ako sa buhay ko ever since.

“Masaya na ako kahit sa pinakamaliit na bagay na ibinibigay sa akin ni Lord.

Lumaki naman ako nang maayos, na buo ang pamilya ko, kumakain ako ng tatlong beses sa araw-araw, mayroon akong disenteng trabaho.

Sobrang masaya na ako doon, e. Wala na akong mahihiling pa.

“Ngayon nga, overflowing na hindi ko ma-explain, 'Totoo ba 'to?'”

POSING FOR MEN'S MAGAZINE. Samantala, bagamat itinuturing na isa sa sexy celebrities ngayon, hindi pa raw handa si Arci na maging cover ng isang men's magazine gaya ng FHM Philippines.

Saad niya, “Hindi ko naman isinasara ang pintuan ko doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad nga ng sinasabi natin, right timing.

Kapag ready na ako, kapag alam ko na kaya ko na.

Kasi sa ngayon, medyo conservative ang family ko, kailangan lang ng right timing.”

Itinuturing ba niyang kakulangan sa kanyang showbiz career ang pagpu-pose sa men's magazine?

Sagot ni Arci, “Hindi ko naman po masasabi na yun [ang kulang], kasi iba-iba naman po ang katawan ng tao.

Iba't iba naman po ang tingin ng mga tao sa sexy. Mayroon kasi tayong standards, e, kung paano maging sexy.”

Pero aminado siya na ang pagiging “sexiest woman” ay isang accomplishment.

“A fulfillment para sa 'yo, para feeling mo number one, everybody thinks that you're sexy.

But what really matters is what's inside you and kung anuman yung magpapa-satisfy sa 'yo.

Kung confident ka naman talaga, I think that's the real sexy.

If you're feeling confident, yun ang start ng pagiging sexy.

Then it's gonna shine and everybody can see it. And they'll think that you're sexy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN