Andi Eigenmann hopes for more stable acting career: "I want to work, I want to have a living."

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann is now at this stage in her erratic showbiz career that she just wants to be in. She says, "Ito na yung panahon na bumabalik ako sa industriya bilang ako. Na mas sigurado sa kung sino ako bilang isang tao at bilang isang aktres."


Inamin ni Andi Eigenmann na dumating ang punto sa kanyang buhay na naisip niyang mag-quit na sa showbiz.

“Yes, dumating sa point na inisip ko, maybe… I should find ways to make a living, biglang dumating.

“Feeling ko, sinasabi ni Lord na, 'Huwag kang mag-alala, alam kong mahal mo ang industriyang ito.Pero mahal ka rin naman niya,' parang ganun.

“Ito yung klase ng industriya na, in all honesty, as much as it’s beautiful, it’s also so ugly in many ways.

“But it’s the type of industry that once you’re in it, you fall in love with it, there’s no way you can exit.

“Tama yung sabi ng mga magulang ko, sabi ko, ‘Try lang, Mom, try lang, Dad.’

“‘Hindi, kapag nasubukan mo na, hindi ka na makakaalis diyan.’

“At tama sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa presscon ng pelikulang Camp Sawi noong August 9.

HOPEFUL. Bukod sa bago niyang pelikula na Camp Sawi, na ipalalabas na sa August 24, may bago ring teleserye si Andi sa ABS-CBN, ang The Greatest Love.

Malapit na malapit na raw itong ipapalabas.

Ngayon, umaasa si Andi na magtuluy-tuloy na ang paudlot-udlot na takbo ng kanyang career.

“Sana po, sana po magtuluy-tuloy na siya… eto na yung book two na siya.

“Ito na yung panahon na bumabalik ako sa industriya bilang ako.

“Na mas sigurado sa kung sino ako bilang isang tao at bilang isang aktres.

“Alam ko na what I stand, what I’m here for,” saad niya.

Base sa kanyang salita, tila mas mature na rin ang pananaw niya sa kanyang career.

Ano na ang mas gusto niya ngayon?

“Magtrabaho!” natawa niyang sabi.

“Siyempre before, parang I was young, I was teenager.

“Along with my career. I’m experiencing this heartache.

“Life’s experiences, growing up, maturing with my parents, these struggles, typical teenager.

“But now, I’m already twenty-six, I have my four years na pinu-put ko sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to work, I want to have a living.

“I believe that the best way is to choose a career that you’re happy with and this is it.

“And it’s more about me knowing what I want to do and how I would like to be known.”

LIKE PARENTS. Samantala, hindi maikakaila ang atensiyong nakukuha ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose mula nang magwagi itong Best Actress sa Cannes International Film Festival.

“Di ba? Sabi ko, ‘Day, star ka na! Alam na alam mo na ang feeling.’

“‘Ay, hindi, ayoko ng ganyan,’ ganun lang siya… parang pareho kami.

“Namana ko sa both parents ko… as much as we live and ito yung industry that feed us, we don’t let the industry eat us up.

“I’m still a human being as well as my mom. I mean, I believe that I’m like this because of my parents.

“Even if we’re all in the entertainment industry, kapag magkakasama kami, hindi naman namin pinag-uusapan yun.

“We still have life outside it and we’re still human beings.”

Ang ama ni Andi ay ang yumaong aktor na si Mark Gil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN