Clarisma Sison faces Sunshine Dizon and Timothy Tan in court for the first time

IMAGE Mark Atienza

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Clarisma Sison, ang diumano'y third party sa hiwalayan nina Sunshine Dizon at Timothy Tan, sa hearing ng concubinage complaint na inihain ni Sunshine laban sa kanilang dalawa ni Timothy. May dala pa itong bodyguard sa korte upang magtakip sa kanya sa mga nakatutok na kamera.


Nagharap na sa kauna-unahang pagkakataon si Sunshine Dizon, ang estranged husband nitong si Timothy Tan, at ang diumano’y third party sa kanilang hiwalayan na si Clarisma Sison.

Nangyari ang paghaharap ng tatlo sa tanggapan ni Senior Asst. City Prosecutor Fabinda delos Santos sa Judge Cecilia Munoz Palma Hall ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ngayong Miyerkules ng hapon, August 10.

Ang kanilang paghaharap ay kaugnay ng concubinage complaint na inihain ni Sunshine laban sa asawang si Timothy at sa diumano’y kalaguyo nitong si Clarisma.

Mga bandang 1:30 ng hapon dumating si Clarisma kasama ang dalawang lalaki.

Hindi kaagad nakilala ng media si Clarisma, ngunit kinutuban na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang pumasok sa Hall of Justice dahil bigla itong nagsuot ng shades.

Kasunod na dumating sa korte si Timothy, at kalaunan ay dumating na rin si Sunshine.

Pinayagan ang media na makuhanan ng maiksing video at litrato ang paghaharap ng tatlo sa loob ng opisina ni Fiscal Delos Santos.


(Sunshine with her lawyer Atty. Claire Castro, Atty. Ruth Castelo [3rd from left], and Timothy.)


(Clarisma Sison)

Matapos lamang ng ilang minuto ay natapos na ang pagdinig dahil humingi ng reset ang kampo ni Timothy.

Itinakda ang kasunod na hearing sa August 25, Huwebes.

NO COMMENT. Naunang lumabas ng korte si Sunshine at nagpaunlak naman ito ng interview.

Sumunod sa kanya si Clarisma, kasama ang abugado nitong si Atty. Jonathan Amoroso at isang personal bodyguard.

Sinikap ng PEP na kunan ng pahayag si Clarisma ngunit tinabig kami ng kanyang bodyguard.

Hindi makadaan si Clarisma sa pasilyo ng korte dahil puno ito ng media crew na nag-interview kay Sunshine kaya minarapat nitong bumalik sa tanggapan ng fiscal.

Sinubukan muli naming hingan ng reaksiyon si Clarisma sa reklamo ni Sunshine, ngunit tago ito nang tago sa likuran ng kanyang bodyguard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minabuti naming hingan ng statement ang kanyang abugado, ngunit sabi lamang nito: “We cannot say anything about the merits of the case. Pending na sa fiscal.”

Matapos nito, sinubukan muling dumaan ng tatlo sa lobby ng ikatlong palapag ng korte at nakadaan naman sila.


Hanggang sa parking lot ay sinundan ng PEP si Clarisma ngunit hindi talaga ito nagbigay ng pahayag.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN