Elmo Magalona dismisses 'no chemistry' issue on love team with Janella Salvador

IMAGE Noel Orsal

Elmo Magalona says it's too soon to compare his pairing with Janella Salvador with the established love teams in showbiz: "We're both starting pa lang… mas nagkakakilala pa lang talaga kami ngayon. Sana we would have that stability others have. Nasa tao naman kasi ang desisyon."


Hindi iniinda ni Elmo Magalona ang isyu na hanggang ngayon daw ay wala pa rin silang chemistry ni Janella Salvador bilang magka-love team sa Kapamilya primetime series na Born For You.

On the contrary raw, magagandang feedback ang naririnig niya at patuloy na tinatangkilik ang kanilang teleserye sa ABS-CBN.

Pahayag ni Elmo, “We're good, we’ve done a month.

“A lot of people are saying na natutuwa naman po sila sa amin ni Janella as Kevin and Sam.

“Masasabi ko na mas comfortable na kami sa isa't isa, mapa-on cam or off-cam.

“We talk a lot even on the set.”

Dugtong pa niya, “Mas natutuwa ako kasi it's on my end na kailangang magbago ang...

“Parehas naman kami na kailangan we have to work on it.

“Kasi kapag mas nakikilala mo ang tao, mas nagiging natural ang gawa mo.

“And from there, alam mo naman ang gagawin mo, alam mo na ang gagawin nila.

“So, yun, mas lalong nagkakasolohan na kami ngayon.

“I think dun nga nagsisimula na mapansin ng marami yung sinasabi nilang chemistry.”

WISHFUL. Sa tingin ba niya ay tatagal ang love team nila ni Janella tulad ng sinasabing matatag na love teams?

Sagot ni Elmo, “Well, sana nga, sana.

“Me and Janella, we're both starting pa lang… mas nagkakakilala pa lang talaga kami ngayon.

“So I can't say na mas mahaba na ang pinagsamahan namin.

“Yeah, I think yun naman ang laging wish natin lalo sa mga new love team ngayon.

“Na sana we would have that stability others have.

“Nasa tao naman kasi ang desisyon, di ba?

“Kami, all we have to do is to be honest sa job and be sincere sa love team namin.”

Mabuti naman na sa kabilang closeness nila ngayon ni Janella ay hindi nati-threaten ang relasyon nila ni Janine Gutierrez.

Giit ng Kapamilya actor, “Hindi naman 'cause it's not like an issue already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From the start naman, everything was explained to her naman.

“And ako, I also understand na she's also being paired sa ibang actors sa kabila.

“What is important is that we respect each other, and we respect our job.

“Ganun naman dapat, di ba?”

THANKFUL. Nakakatanggap pa rin ba siya ng bashings mula sa mga tagahanga naman ng dating love team nina Janella at Marlo Mortel?

Kung matatandaan, halos established na rin ang love team ng dalawa nang pumasok siya.

Ani Elmo, “Hindi naman talaga mawawala yun, may mga... yeah, not just Marlo-Janella fans.

“But also people who thought na yung pag-move ko [from GMA-7 to ABS-CBN] was not a good idea.

“To me, I'm just happy and feel blessed to be able to showcase what I have.”

Dugtong pa niya, “I'm just really grateful na nasasama sa ako sa new lineup ng Star Magic.

“I love all the people, nagulat ako lang how they accepted me, how they welcomed me.

“Sa pag-welcome pa lang nila, everyone's very nice and approachable, I wasn't expecting that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN