Director Joyce Bernal proud of former apprentices Tonet Jadaone and Irene Villamor

IMAGE Noel Orsal

Director Joyce Bernal on former apprentices Antoinette Jadaone and Irene Villamor: "Mga fans po sila, mga pakalat-kalat, mga hindi binabayaran. Now, they deserve to have a film na gagawin nila yung gusto nilang pelikula."


Lubos ang tuwa ng movie at TV director na si Joyce Bernal sa mga narating ng kanyang mga dating apprentice na sina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.

“Hindi ko alam, pero siguro more than the movies that I made, yung nakapagbigay ka ng another director na kaya mong ibigay kung ano ang vision nila for the movie, sobrang sarap, sobrang ibang klase.

“Parang may Liam po ulit ako, my daughter,” sabi ni Direk Joyce sa press conference ng Camp Sawi noong August 9.

Si Direk Joyce ang producer ng pelikula para sa Viva Films at N2.

Bago pa makilala bilang Direk Tonet, naging apprentice muna siya noon ni Direk Joyce sa pelikulang Don't Give Up On Us, na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Ngayon, kilala na siya bilang direktor ng mga pelikulang That Thing Called Tadhana, English Only, Please, All You Need is Pag-ibig, at Achy Breaky Hearts.

Si Tonet din ang direktor ng hit TV series na On the Wings of Love ng “reel-to-real” couple na sina James Reid at Nadine Lustre.

Si Tonet din ang magdidirek ng upcoming series ng JaDine na may pamagat na Till I Met You.

Samantala, baguhan pa lamang si Irene Villamor, na dating apprentice ni Direk Joyce sa teleseryeng Kailangan Ko'y Ikaw (2013).

Kasama siya ni Direk Tonet nang isulat ang Relaks, It's Just Pag-ibig.

Unang directorial job niya ang Camp Sawi.

Pagbabalik-tanaw ni Direk Joyce, “Si Tonet po at saka si Irene, they were with me Marimar [2007] days pa lang.

“They do the dialogues, they do scripting, they did everything po.

“Kumbaga, inalipin ko sila dahil alam kong magiging director sila.

“Ngayon, pareho na po silang wala sa akin ngayon.

“Pero I'm training another two students to be like them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Director Joyce Bernal (rightmost) and director Irene Villamor (leftmost)
with Camp Sawi Girls--(L-R) Andi Eigenmann, Kim Molina, Arci Munoz, Yassi Pressman, and Bela Padilla.

Bagamat tapos na sina Tonet at Irene bilang apprentices, patuloy pa rin daw ang pagtuturo ni Direk Joyce sa mga baguhang direktor.

Saad niya, “I'm training another two students to be like [Antoinette and Irene].

“Ngayon, I'm working with new directors kasi parang yun ang sine-share ko sa kanila.

“Mga indie directors po sila, pero ang sine-share ko sa kanila is yung pagiging mainstream ko.

“So, nagmi-meet po kami kaya magkakaroon po ng maindie na pelikula.”

Ibig sabihin ba nito ay totoo ang nauna niyang pahayag sa press conference na pahinga muna siya sa pagdidirek?

“Ay, hindi po,” paglilinaw ni Direk Joyce.

“I have friends like Aga Muhlach, Robin Padilla, Juday [Judy Ann], and Piolo [Pascual].

“Siguro mga friends ko, doon po ako magdi-direct.”

Para sa mga ibang proyekto, ani Direk Joyce, “Ibibigay ko na po lahat sa mga katulad nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN