Mark Herras downplays ratings game and network wars in showbiz

IMAGE Rose Garcia

Mark Herras weighs in on the ratings game in showbiz: "Hindi naman natin hawak kung anuman yung mga nangyayari sa ratings. Masasabi ko lang na I'm happy if nabibigyan kami ng magandang show at magandang story."


Masasabing beterano na si Mark Herras sa paggawa ng teleserye para sa Kapuso network.

Sa puntong ito, gaano kaimportante sa kanya ang TV ratings?

Saad niya, “Lahat naman tayo, lahat ng nagsisimula, siyempre mas gusto natin mataas ang ratings ng lahat ng shows. Lalo na ang GMA, di ba?

“Pero siyempre hindi naman natin hawak yun kung anuman yung mga nangyayari sa ratings.

“Siguro masasabi ko lang na I’m happy if nabibigyan kami ng magandang show at magandang story.

“Para sa akin kasi, iyon ang importante.”

Ano naman ang masasabi niya tungkol sa network wars ng mga TV stations?

“Sila na ang bahala diyan!” ang tumatawang bulalas ni Mark.

“Basta ako nagtatrabaho ako nang maayos.”

Hindi raw siya apektado ng network wars.

“Hindi, hindi, kasi ang network wars, parang away ng mga nasa business ‘yan, e.

“Kumbaga, ako nasa business ako, pero dun ako sa loob.

“Hindi ako mismo yung may hawak ng business, so sila po ang bahala diyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark pagkatapos ng PEPTalk shoot ng cast afternoon soap na Sa Piling Ni Nanay, sa dining hall ng Studio 7 ng GMA Network Center, noong August 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN