Romania's Got Talent finalist Resciebelle Santiago in town

IMAGE YouTube / Instagram

Filipino Resciebelle Santiago finds fame, fortune and love in Romania, and she is grateful.


Nasa Pilipinas ngayon at nagbabakasyon si Resciebelle Santiago, ang Pinay singer na naging finalist sa Romania's Got Talent.

Read: Pinay singer makes it to Romania's Got Talent finals show

Malaki raw ang naging pagbabago sa buhay niya nang maging finalist sa Romania's Got Talent.

Pahayag ni Resciebelle, “Marami po, dumami yung followers ko sa social media.

“Maraming opportunities na dumadating, like recording contract, shows and guesting sa mga TV shows sa Romania.

“At ngayon po, nakapirma na ako sa pinakamalaking recording company sa Romania, kasosyo po nila yung Sony Music.

“I just recorded ny first single na 'Fighter,' single muna yung ipu-promote ko and then album na.

“Sa Romania muna iri-release siya, tapos International.

"Yung album ko, puro English and Romanian songs, kasi may mga Romanian singers na gustong makipag-collaborate sa akin ng kanta.”

Isa raw sa pinag-aaralan ngayon ni Resciebelle ay ang pagko-compose ng kanta.

“Yun nga ang sinasabi nila sa akin na kailangan ko mag-compose ng sarili kong kanta.

“Maganda daw po if I am the composer of my song.

“Kung papalarin ako at gugustuhin ni God, gusto ko rin magkaroon ng sariling concert dito sa Pilipinas at sa Romania at sa buong Europe.”

SARAH AND BEYONCE. Gusto rin daw niyang makasama si Sarah Geronimo.

Sabi ni Resciebelle, “I see all her performances, ang galing niya, she can sing, dance.

“This is my thing also kaya I want to sing with her in my concert, if given a chance.

“Napanood ko siya nang live sa isang mall show kaya I’m eager to meet her.

“Siya talaga yung iniidolo ko sa mga Filipino singers.”

Dagdag pa niya, “Sa mga international singer, si Beyonce ang gusto ko makasama.

“Sabi ng kaibigan ko na nakapanood ng concert ni Beyonce, hindi daw kami nagkakalayo ng height, kulay.

“At pareho kaming kumakanta habang sumasayaw tsaka magkamukha daw kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya gusto ko siya makita at ma-meet in person, gusto ko rin siyang maka-duet kung papalarin.”

Ayon kay Resciebelle, pareho raw ang Romanian fans at Filipino fans sa sipag mang-bash ng celebrities.

“Masyado po kasi tayong perfectionist na mga Filipino, actually sa Romania mahirap din po.

“May mga namba-bash din kasi nga hindi naman ako Romanian.

“Pero may mga sumusuporta din sa akin doon, actually karamihan ng fans ko doon, mga bata. Pero meron ding matatanda.

“Kasi pag gusto nila, masyado silang appreciative. Ipapakita talaga nila yung paghanga sa 'yo.

“Sinasabi nila kahit hindi ako Romanian na they love me because of my talent.”

INSPIRATION. Inspirasyon daw ni Resciebelle ang kanyang anak.

Saad niya, “Gusto ko pong maibigay sa kanya ang lahat.

“Gusto ko pong makasama ko na po siya sa lahat ng pupuntahan ko para di na mapalayo sa kanya.

“Kaya nga gusto ko talagang maging successful sa ginagawa ko ngayon kasi di ko pa siya maisama sa Romania.

“Gusto ko kasi na pag pumunta siya dun [sa Romania], settled na lahat, may sarili na kaming bahay at kaya ko ng ibigay sa kanya lahat-lahat.

“Sa ngayon kasi, hindi pa settled, pero may tulong ako… darating din yung time na magiging maayos ang lahat.

“Sa ngayon kasi nakikituloy lang kami ng [Romanian] boyfriend ko sa parents niya.

“Masuwerte nga ako kasi very supportive ang boyfriend ko sa akin.”

Mabait naman daw ang parents ng boyfriend niya, na naging hot topic nang sumali si Resciebelle sa Romania's Got Talent dahil sa kaguwapuhan nito.

Read: This Pinay and her boyfriend just heat up Facebook

Sabi pa ni Resciebelle, “Sobrang sweet ko daw at matulungin kasi tumutulong ako sa mga gawaing-bahay.

“Na normal naman sa ating mga Pilipino pag nasa ibang bahay tayo, ganun ako pinalaki ng lola ko.

“Yung mommy niya, laging sinasabi sa akin na ‘I love you, I love you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung boyfriend ko, hindi pa nakikilala ng family ko personally.

“Pag nag-Skype ako, nakikita at ipinakilala ko na sa kanila.

“Plano niya ngayong third week ng August pupunta siya ng Pilipinas para ma-meet ang family ko.”



LANGUAGE BARRIER. Hindi naman daw gaanong nahirapan si Resciebelle na pag-aralan ang lengguwahe ng Romania.

Kuwento niya, “Nung una po nahirapan ako, pero dahil lagi ko na siyang naririnig, nasanay na rin at natutuhan ko ng magsalita ng language nila.

“Tapos yung mama ng BF ko, hindi marunong mag- English at all kaya kailangan ko talaga matuto magsalita ng lengguwahe nila.

“Hindi naman po siya mahirap, kung gusto mo, makakaya mo.

Ito naman ang mensahe niya sa kanyang mga fans, “Maraming maraming salamat po, huwag po kayong magsasawang sumuporta.”

Habang nasa bansa si Rescieblle ay maggi-guest siya sa iba't ibang shows sa telebisyon at radio stations.

Nauna na nga itong nag-guest siya sa Walang Siesta ng DZBB 594, kung saan na-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN