Sunshine Dizon on Clarisma Sison: "I will not dignify her with anything because she's too low for me."

IMAGE Mark Atienza

Sunshine Dizon on suing her husband and his mistress: "I want this to be a lesson to all the homewreckers out there, di ba? Hindi basta-basta kayo may karapatan na manira ng pamilya, lalo na ang mga anak. Because it's the children who suffer. So ako, as a legal wife, I am standing my ground and I will fight for my right, di ba? Hindi na uso ngayon yung iiyak-iyak ka lang sa isang tabi at hindi ka lalaban, di ba?"


Dumating na ang araw kung kailan nagharap sa korte ang aktres na si Sushine Dizon, ang estranged husband nitong si Timothy Tan, at ang itinuturong third party sa hiwalayan ng mag-asawa na si Clarisma Sison.

Ito ay kaugnay ng Violation Against Women and their Children (VAWC) at concubinage complaints na inihain ni Sunshine laban kina Timothy at Clarisma.

Magkasunod na dumating sina Clarisma at Timothy sa tanggapan ni Senior Prosecutor Fabinda K. delos Santos, sa Hall of Justice ng Quezon City Hall, ngayong hapon, August 10.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin si Sunshine, kasama ang kanyang abugado na si Atty. Claire Castro.

Nagkaharap-harap ang tatlo sa opisina ni Fiscal Delos Santos.

Ngunit ilang minuto lang ang itinagal ng preliminary investigation sa reklamong inihain ni Sunshine dahil nakiusap ang kampo nina Timothy at Clarisma na magkaroon ng extension sa pagsusumite ng kanilang counter-affidavit.

Kung nahuling dumating si Sunshine, siya naman ang kauna-unahang lumabas sa opisina ni Fiscal Delos Santos.

Kasama ng kanyang lawyer ay nagpaunlak ang aktres ng panayam sa mga taga-media na nasa labas, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

NOT THE FIRST MEETING. Ano ang naramdaman ni Sunshine nang makaharap niya si Clarisma sa loob ng opisina ni Fiscal Delos Santos?

Diretsong sagot ng aktres, “You know what, honestly, homewreckers like her doesn’t need any reaction.

“I will not dignify her with anything because she’s too low for me.”

Ayon kay Sunshine, hindi iyon ang unang pagkakataong nakita niya muli si Timothy mula nang lumabas sa publiko ang kanilang paghihiwalay.

“I’ve seen Tim a couple of times already. He’s been granted visitation rights.”

Sa kaso naman ni Clarisma, ngayon lang daw niya ito muling nakaharap.

“After the incident, yes.”

Ilang beses na raw niyang nakita si Clarisma noon.

“I’ve met her several times. I’ve met her through common friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko na siya, I think twice, thrice... Three times na yata.

“The first time was in a party and the second time was when the best friend was sick.

“And the third time, unfortunately, nang mahuli ko sila ng asawa ko.”

Sa pamamagitan ni Atty. Claire Castro, kinumpirma ni Sunshine na nakiusap sina Timothy at Clarisma ng extension ng pagsusumite nila ng kanilang counter-affidavit.

Posible kayang may settlement na mangyari?

Sagot ng abugado ni Sunshine, “They’re trying to discuss the matter with us.

“Ayaw naman po naming isara ang aming mga pintuan, especially na may mga anak po sila.

“Pero we will cross the bridge when we get there.”

Sabi naman ni Sunshine sa bagay na ito, “We will see what we have to do first.”

EMOTIONAL. Hindi naman napigilan ni Sunshine na maging emosyunal nang tanungin kung ano ang naramdaman niya nang makita sina Timothy at Clarisma.

“Bilang tao, masakit, nasaktan ang mga anak ko, e,” simula niya.

Pagkabanggit niya sa dalawang anak ay nangilid na ang luha ng aktres.

Patuloy ni Sunshine, “My daughter even reminded me, saying, ‘Mama, be careful.’

“I’m getting emotional because of the pain they caused on my children, not me anymore, kasi kaya ko naman.

“Pero yung sakit na dinaanan ng mga anak ko, ‘yan ang walang kapatawaran.

“But if she’s thinking that I will do something here to make eksena, no, I will not do that.

“She’s too low and I will not dignify her with anything.

“Baka ibang tao nasampal siya, pero ako, hindi ko padadapuin ang kamay ko, baka madumihan.”

Galit ang nararamdaman niya kay Clarisma?

“Kahit baligtarin ang mundo, sinira niya ang pamilya ko,” tugon ni Sunshine.

THE PRICE THEY HAVE TO PAY. Kung sakali, anong kaparusahan ang gusto niyang ipataw sa mister niya at sa diumano’y kabit nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Kapuso actress, “Aba, kung puwedeng makulong, e, di makulong, di ba?

“They ought to pay for their actions.”

Kaya niyang makitang nasa kulungan ang ama ng mga anak niya?

“Depende na nga lang ‘yan kung ano ang mangyayari.

“Siyempre, masakit din para sa akin yun. Kahihiyan din namin yun, di ba?”

Posible kayang lumambot ang puso niya kay Clarisma?

Mariing sabi ni Sunshine, “No, I want this to be a lesson to all the homewreckers out there, di ba?

“Na hindi niyo… hindi basta-basta kayo may karapatan na manira ng pamilya, lalo na ang mga anak.

“Because it’s the children who suffer.

“So ako, as a legal wife, I am standing my ground and I will fight for my right, di ba?

“Hindi na uso ngayon yung iiyak-iyak ka lang sa isang tabi at hindi ka lalaban, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN